Luis Manzano mala-'CSI’, ‘SOCO’ ang bagong game show sa PIE Channel, gustong gawing 'suspek' sina Jessy, Ralph, Edu at Ate Vi | Bandera

Luis Manzano mala-‘CSI’, ‘SOCO’ ang bagong game show sa PIE Channel, gustong gawing ‘suspek’ sina Jessy, Ralph, Edu at Ate Vi

Ervin Santiago |August 31,2023
facebook
share this

Luis Manzano mala-‘CSI’, ‘SOCO’ ang bagong game show sa PIE Channel, gustong gawing ‘suspek’ sina Jessy, Ralph, Edu at Ate Vi

Ervin Santiago - August 31, 2023 - 04:23 PM

Luis Manzano mala-'CSI’, ‘SOCO’ ang bagong game show sa PIE Channel, gustong gawing 'suspek' sina Jessy, Ralph, Edu at Ate Vi

Luis Manzano

IN FAIRNESS, winner at talaga namang bonggang-bongga ang mga bagong pasabog na programa  ng PIE Channel ngayong September.

Isa na nga riyan ang original mystery-investigative game show na “Tamang Hinala” to be hosted by Luis Manzano, ang first project niya sa PIE Channel.

Bukod dito, mapapanood na rin ang bagong entertainment-game show ni Robi Domingo na “Watchawin” at ang “Mukhang Perya” ni Eric Nicolas”. Nandiyan din ang show ni Melai Cantiveros na “Ur Da Boss” at ang “Sinong Manok Mo” hosted by Jolina Magdangal and Bayani Agbayani.

Going back to Luis, natanong siya sa presscon ng PIE Channel kung bakit tinanggap niya agad ang “Tamang Hinala” na mapapanood tuwing Sabado at Linggo, 6:30 p.m..

“E, kasi, kaliwaan ang bayad. Alam n’yo naman, may anak na ako,” ang hirit ni Luis kaya naman hagalpakan ang lahat ng nasa venue.

“But honestly, I got excited by its concept kasi it’s an original show. It’s something very different for me, after coming from the so many shows I’ve hosted before that are all franchises,” paliwanag ng TV host-comedian.

Sey pa ng mister ni Jessy Mendiola, “When they presented the format to me, it’s like crime or detective shows such as ‘CSI’ or ‘SOCO’, but with a twist as the viewers will be given the chance to win prizes if they can correctly guess kung sino ang salarin.”

Baka Bet Mo: Jessy Mendiola umaming ‘praning’ na nanay, super thankful kay Luis Manzano: ‘Nakakakaba kapag first-time mom ka talaga!’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kasama ni Luis sa “Tamang Hinala” si PIE Jock Karina Bautista. Kasama nilang magre-report mula sa eksena ng “krimen” at magbibigay-daan sa mga manonood na suriin ang ebidensya at tukuyin kung sino sa mga kalahok sa studio ang guilty o not guilty.

Ang mga online na KaTroPIEs ay hinihikayat na magpaka-detective at mag-imbestiga para sa pagkakataong manalo ng hanggang P30,000 sa pamamagitan ng pagpindot sa kanilang mga device.

Paniniguro pa ni Luis, “Maganda yung show kasi wala kaming sinusunod na script. I even have the freedom to do my own blocking and I’m enjoying hosting it.”

Kung siya ang papipiliin kung sinu-sino ang gusto niyang maging “four guest suspects” sa isang episode ng show, “Siyempre, I will choose my wife (Jessy), my mom (Vilma Santos), my dad (Edu Manzano) and Tito Ralph (Recto). Para kahit sino ang manalo, ibibigay na lang nila sa akin (ang premyo) para sa anak ko.”

Ang tinutukoy ni Luis ay ang anak nila ni Jessy na si Isabella Rose o Baby Peanut.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Luis Manzano ‘hinarana’ si Baby Rosie, sey ni Jessy Mendiola: Nanghihingi ng saklolo si Peanut

Pokwang nilayasan si Luis Manzano matapos ipakita ang larawan ni ‘Lee’: Wala sa usapan natin ‘yan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending