Ilang taon ding nakasama ni Pia si Mike sa Kapuso news program na “24 Oras” bilang host ng “Chika Minute” segment kaya naging malapit din sila sa isa’t isa.
Sa Instagram post ni Pia, nabanggit nito na isang karangalan na makatrabaho at maging kaibigan ang isa sa mga haligi ng broadcasting industry sa Pilipinas.
“I am honored to have worked with this man for 11 years in 24 Oras.
“He was always ready to help, ready to have fun and was always your staunch supporter. He is incomparable,” ang caption ni Pia sa kanyang IG Story.
Nag-iwan din ng comment ang TV host sa pa-tribute ng DZBB Super Radyo anchor na si Connie Sison para kay Mike Enriquez sa Instagram page nito at tinawag pa itong “awesome guy”.
“He was really an awesome man! Always ready to help you, support you, joke around with you, always asking about loved ones!… one of the best.
“Mike is good with our LORD. Praying for Tita Baby and those that he’s left behind,” mensahe pa ni Pia para sa yumaong news anchor.
Sa kanya ring Instagram Story, ibinahagi naman ni Iya Villania ang mga naging kaganapan sa studio ng “24 Oras” nang ibalita na ang pagyao ng beterano at premyadong broadcaster.
“Oh Sir Mike. It was an honor to work with you. You will continue to be missed. Rest in Peace,” mensahe ni Iya.
Samantala, ibinahagi naman ng dating Kapuso TV host na si Rhea Santos ang isang video message sa kanya ni Mike Enriquez sa IG, bago siya magtungo sa Canada noong 2019 bago umalis sa “Unang Hirit.”
Wasak din ang puso ng dating news anchor ng GMA sa pagkamatay ni Mike, “Woke up to the news today that you’re gone. My boys and I are heartbroken. You will forever be our ninong Mike, Papa Mike, sir Mike, Booma, La Salle’s pillar.”
“To a respected man, dedicated and loving husband, a father to many, our ninong, my boys’ inspiration (Animo!), thank you for being part of our lives. You will be missed. Pakisabi na lang po yung hiling ko dyan. We love you!” aniya pa.
Kung matatandaan, noong 1995 nang maging Kapuso si Mike Enriquez na siyang kauna-unahang Filipino na nagwagi bilang Best Newscaster sa Asian Television Awards.