Drew Arellano, Iya Villania OK na sa 4 na anak, nagtuksuhan tungkol sa vasectomy: 'We never know...' | Bandera

Drew Arellano, Iya Villania OK na sa 4 na anak, nagtuksuhan tungkol sa vasectomy: ‘We never know…’

Ervin Santiago - July 03, 2023 - 07:07 AM

Drew Arellano, Iya Villania OK na sa 4 na anak, nagtuksuhan tungkol sa vasectomy: 'We never know...'

Drew Arellano at Iya Villania kasama ang apat na anak

MUKHANG nagkasundo na nga ang celebrity couple na sina Drew Arellano at Iya Villania na huwag nang dagdagan pa ang kanilang apat na anak.

Napag-usapan ang tungkol dito nang mag-guest ang mag-asawa sa June 29 episode “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan tila nagparamdam nga sila na enough na ang four kids sa kanila.

Ayon kay Drew, baka raw very soon ay sumailalim na siya sa vasectomy operation para masigurong hanggang apat na lang ang kanilang magiging anak.

Sabi ng “Biyahe ni Drew” host, “You’re the best mother to all the kids, and, uh, I will do my vasectomy soon.” Tawa naman nang tawa si Iya sa hirit ng kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)


Sundot na tanong ni Tito Boy, kung nagdyo-joke lang ba si Drew o seryoso siya sa pagpapa-vasectomy.

Tugon naman ni Drew, “No, that’s the plan. That’s our plan.”

Hirit naman ni Iya, “Let’s see. Until he gets it done, we never know, right?” Panunukso pa niya kay Drew, “Hindi naman bukas yung schedule, di ba?”

Matatandaang nabanggit na ni Drew ang tungkol sa vasectomy sa panayam sa kanya ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” podcast. Aniya, ang original plan nila ni Iya ay dalawang anak lang – boy and a girl.

Baka Bet Mo: Iya sa anniversary nila ni Drew: 18 years together, 8 years married and still forever to go…

“I think we were aiming for one muna and then the second one, kung naging girl si Leon, I think that would’ve been it, you know? Primo and Leona. Okay na,” aniya pa.

“Well, naging lalaki nga (panganay), so parang sabi namin, ‘Let’s try another one.’ Kung babae, okay na. So, we thought yun na yun,” ani Drew.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)


At sa ikatlong pagbubuntis nga ni Iya ay naka-girl na sila, “So anyway, it was during the pandemic pa rin ito, this 2020. I couldn’t go to the delivery room, so I was just waiting sa room namin and then, dinala na yung baby and like ‘Color pink!’

“So iba, iba rin yung feeling ng having a girl lalo na two years in,” kuwento ni Drew.

Sey pa niya sa pagdating ni Alana sa buhay nila ni Iya, “Iba talaga yung lambing ng girl towards guys, towards the dads.”

“And then, yeah, two years in, I totally get it now, I totally get it now na parang, ‘Papa!’ parang ang hirap pagalitan,” sabi pa ng Kapuso TV host.

At nang tanungin nga kung plano pa nilang magkaroon ng 5th baby, “I think my wife is waiting for me to undergo vasectomy already. Okay na, we’re good.”

Ang tatlo pang anak nina Drew at Iya ay sina Antonio Primo, Alonzo Leon at Astro Phoenix.

Iya hinihintay na raw magpa-vasectomy si Drew, OK na sa kanila ang 4 na anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iya Villania ipinanganak na ang kanilang baby no. 4 ni Drew Arellano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending