Pura Luka Vega pwedeng pumunta ng Lapu-Lapu City pero may kundisyon, ano kaya 'yun? | Bandera

Pura Luka Vega pwedeng pumunta ng Lapu-Lapu City pero may kundisyon, ano kaya ‘yun?

Therese Arceo - August 30, 2023 - 07:28 PM

Pura Luka Vega pwedeng pumunta ng Lapu-Lapu City pero may kundisyon, ano kaya 'yun?

SA unang pagkakataon ay isang lugar ang nagdeklara na welcome na dumalaw sa kanilang lugar ang controversial drag queen na si Pura Luka Vega.

Matatandaang marami na nang mga lugar sa Pilipinas ang nagdeklara ng “persona non grata” sa naturang drag queen matapos mag-viral ang performance nito kung saan ini-inpersonate nito si Hesus habang kinakanta ang remix ng worship song na “Ama Namin”.

Ngunit sa kabila ng mga kontrobersyang kinasangkutan at mga lugar na nagbabawal siyang pumunta at mag-perform, welcome si Luka sa Lapu-Lapu City.

Ngunit may kondisyon ang alkalde ng lungsod na si Mayor Junard “Ahong” Chan base na rin sa ulat ng “Politiko Visayas”.

Ayon sa alkalde, maaari pa ring pumunta si Luka sa kanilang lugae ngunit hindi ito puwedeng magkaroon ng drag performance sa lugar kung gagayahin nito si Hesus.

Bagama’t hindi rin ikinatuwa ng alkalde ang ginawa ng drag queen na si Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay ay hindi raw niya ito idedeklara ng persona non grata.

Baka Bet Mo: Pura Luka Vega umalma sa pagkakadeklara bilang persona non grata sa iba’t ibang lungsod: Tell me EXACTLY what I did wrong

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Marami na ring mga lugar ang nagdeklara ng persona non grata kay Luka.

Ilan sa mga ito ay ang Manila City, Laguna, Bukidnon, General Santos, Lucena City, Negros Occidental, Cebu City, Cagayan de Oro City, at marami pang iba.

Kinuwestiyon naman ni Luka noon ang mga nangyayaring sunud-sunod na pagkakadeklaraxsaxkanya ng persona non grata.

“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance. Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” saad ng drag queen.

Ngunit kalaunan ay tila naging “unbothered” na si Luka dahil mas dumami pa ang mga lugar na nagdeklara sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod rito, nagkaroon ng isang fund-raising para sa drag queen para sa kanyang mga panggastos sa court battles na kailangan niyang harapin matapos siyang sampahan ng kaso ng dalawang religious groups ukol sa diumano’y “blasphemous” nitong drag performance.

Related Chika:
Pura Luka Vega hindi nagpasindak sa sunud-sunod na pagpataw sa kanya ng persona non grata: ‘Dagdagan n’yo pa! Pakealam ko!’

Pura Luka Vega pinagmumura ng netizens matapos manghingi ng pera sa publiko: ‘Mas matutuwa ang Pilipinas kung makikita kang nasa kulungan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending