Maja, Sam, Andrea may pasorpresa nang bonggang-bongga; Rhea Tan from ‘simpleng tindera’ to President-CEO
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Rhea Tan, Sam Milby, Andrea Brillantes at Maja Salvador
BUKOD sa umaaribang showbiz career, patuloy ding dumarami ang mga product endorsements ng Kapamilya drama princess na si Andrea Brillantes.
In fairness sa dalaga, sa kabila ng mga isyu at kontrobersiyang kinasasangkutan niya ay patuloy pa rin siyang pinagkakatiwalaan ng ABS-CBN at ng mga kumpanya at serbisyong ineendorso niya ngayon.
Panahon nga ngayon ni Andrea Brillantes kaya huwag na tayong magtaka kung isang araw ay siya na ang ipinakikilalang next young superstar ng Kapamilya Network kasunod ng mga acting awards na posible niyang makuha sa mga ginagawa niyang proyekto.
Tulad na nga lang ng latest drama series niya sa ABS-CBN na “Senior High” kung saan pinalakpakan siya at ang buong cast pagkatapos ng celebrity at press screening nito sa Trinoma Mall Cinema 2 last Sunday.
Sure na sure kami na magmamarka si Andrea sa nasabing teleserye na tumatalakay sa mga problema ng pamilya at mga estudyante kabilang na ang matagal nang isyu ng bullying sa school.
Anyway, isa si Andrea sa mga celebrities na bumida at nakisaya sa 14th anniversary celebration ng Beautéderm along with Sam Milby and Maja Salvador na ginanap sa Hilton Hotel, Angeles City noong August 19.
Ang CEO at President na si Rhea Tan ay nagpasalamat sa mga kilalang personalidad na nag-effort na pumunta sa Pampanga. Kitang-kita ang sigla at ganda ni Ms. Rhea sa nasabing event.
May temang “Bravely Beautéful: 14 Years of Setting The Gold Standard,” inalala ni Ms. Rei kung paano niya sinimulang itayo ang kanyang kompanya.
Nagsimula bilang isang maliit na skincare brand ang Beautéderm noong 2009 at ngayon ay isa na itong malaking beauty and wellness brand at nangunguna sa merkado.
“14 years ago, in 2009, I was just a simple ‘tindera,’ selling beauty products at my old house. Back then, I got a nudge and heard a little voice inside me say, ‘Keep it up.’ And yes I did,” pagbabahagi ni Rhea.
Pagpapatuloy pa niya, “Much has changed over the years. Since I first took the plunge in 2009, the brand has grown so much. This brand is currently one of the leading beauty and wellness brands with branches all over the Philippines, and Southeast Asia, Canada, and New Zealand. The brand taps country’s celebrity A-listers as endorsers.”
Pinasalamatan din ng business magnate ang kanyang employees, staff, franchisees, distributors, resellers, family, friends, media partners, consumers, at celebrity endorsers.
Sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Marian Rivera, Carlo Aquino at Darren Espanto ang ilan lamang sa A-listers na ambassador ng kumpanya ni Ms. Rei.
“Over the past 14 years, these people have given Beautéderm the most precious beginning, taking Beautéderm from an unknown brand to a well-known giant, becoming a key player in the beauty and wellness industry in the Philippines.
“I am so blessed and grateful. I also thank Maja, Sam, and Andrea for celebrating with us in Pampanga. We continue to make every Filipino beautiful inside and outside. We are a brand that goes beyond what you can see,” mensahe pa niya.
Present din sa super successful event sina Kakai Bautista, Ysabel Ortega, Thia Thomalla, Ruru Madrid, Sunshine Garcia, Alex Castro, Patricia Tumulak, Ryle Santiago, EA Guzman, Alma Concepcion, DJ JhaiHo, at La Union Gov. Rafy Ortega.