Lovi umiyak sa kasal nila ni Monty Blencowe sa UK dahil sa mga sinabi ni Grace Poe: ‘I see in you qualities of the father I really loved’

Lovi umiyak sa kasal nila ni Monty Blencowe sa UK dahil sa mga sinabi ni Grace Poe: 'I see in you qualities of the father I really loved'

Lovi Poe, Monty Blencowe at Grace Poe

TAGOS na tagos sa puso ng Kapamilya actress na si Lovi Poe ang naging mensahe ng kanyang kapatid na si Sen. Grace Poe para sa kasal nila ni Monty Blencowe sa United Kingdom kamakailan.

Talagang hindi napigilan ni Lovi ang pagtulo ng kanyang luha nang magbigay na ng speech si Sen. Grace sa isang event bago ang kanyang wedding at mabanggit nito ang kanilang amang si Da King Fernando Poe, Jr..

Mapapanood ang emotional moment na ito sa pagitan ng magkapatid sa ibinahaging short video ng TV host at eventologist na si Tim Yap sa kanyang Instagram account kahapon.

“I’ve never really known I had a sister until our dad passed away. Being an only girl – I knew I had a brother but I didn’t care because it was a guy, right?


“But when I found out I had a sister, I was thinking I am not the only girl anymore,” bahagi ng speech ng senadora.

“But, the first time I met you during the wake, I saw a really young, innocent child weeping for our dad. And I felt so sad,” dagdag pa ng sister ni Lovi.

Feeling daw ni Sen. Grace, hindi lang siya ate ni Lovi kundi parang nanay na rin dahil ilang taon lamang ang tanda ng aktres sa anak niyang si Brian Poe Llamanzares.

Baka Bet Mo: Lovi Poe binalikan ang pagpo-propose sa kanya ni Monty Blencowe: ‘It happened so fast, I said yes!’

“I felt at that time, not only had I gained a sister, I almost felt like I had another child. Because I see in you qualities of the father I really loved,” ang maluha-luha ring pagbabahagi ng senadora.

Sigurado rin daw siya na very proud kay Lovi ang yumao nilang ama na si FPJ dahil sa tinatamasa niyang tagumpay ngayon hindi lang sa kanyang career kundi maging sa personal niyang buhay.

“I just wish he could have walked you down the aisle. I just really wish. He would have been so proud of you. You are beautiful.


“You are very intelligent. You are strong. I know you can weather anything because you are the daughter of FPJ,” dagdag pang mensahe ni Sen. Grace kay Lovi.

Kasunod ng speech ng senadora ay mahigpit silang nagyakap ni Lovi kasabay ng palakpakan ng mga bisita sa wedding.

Ikinasal sina Lovi at Monty last Saturday sa Cliveden House sa England na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Lovi Poe hindi lalayasan ang showbiz career sa Pinas kahit magkaroon na ng asawa’t anak

Lovi sa tanong kung si Monty Blencowe na ang ‘the one’: Well, you know ang hirap sabihin but I hope…

Read more...