Karen Bordador sa nagsabing 2nd choice lang siya bilang host sa Seo In-guk fan meet: ‘Wala akong pakialam!’

Karen Bordador sa nagsabing 2nd choice lang siya bilang host sa Seo In-guk fan meet: 'Wala akong pakialam!'

Seo In-juk, Kristel Fulgar at Karen Bordador

MATAPANG na sinagot ng content creator at TV-event host na si Karen Bordador ang mga isyu na kinasasangkutan dahil sa pagiging host sa isang Korean idol fan meet.

Naging hot topic at umani ng kontrobersiya ang pagkuha kay Karen bilang host sa fan meet ng Korean superstar na si Seo In-guk.

Naniniwala ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na wala siyang ginawang masama para makatanggap ng pambabatikos at pangnenega mula sa mga netizens.

Marami kasi ang bumatikos sa dating DJ matapos maetsapwera ang aktres at singer na si Kristel Fulgar na siyang unang napili na mag-host ng fan meet ni Seo In-guk na nakilala sa mga Korean series na “Hello Monster” at “Reply 1997.”


Ngunit bigla na lamang pinalitan si Kristel ni Karen bago maganap ang event.

“I felt I think I did the right thing naman. I don’t think I did anything offensive that day. The crowd was happy so I really don’t know why I got a backlash,” ang pahayag ni Karen sa panayam ng “Tao Po” ni Bernadette Sembrano.

Ipinagdiinan din ng dalaga na hindi big deal sa kanya kung pangalawang choice lang siya para mag-host sa fan meet ni Seo In-guk dahil ang mahalaga, siya pa rin ang napili para sa nasabing event.

“Wala akong pakialam! Alam mo kasi people would say, ‘O second choice ka lang!’ ‘Oh yeah! And I loved doing it!’

Baka Bet Mo: Karen Bordador malalim ang hugot tungkol sa ‘trayduran’ sa ‘PBB 10’

“Kasi you don’t have to be first in everything. It doesn’t matter if you’re first, second or third. Di ba? You will have a moment in this life,” lahad ni Karen.

Lahad pa ni Karen, “I really did my best to just do my job. And not only that. I wanted to fulfill the trust that was given to me by the Korean team. So I was just, you know, happy that I was able to do that.”

Nagbahagi rin si Karen ng ilang advice para sa lahat ng mga tulad niya na nakararanas ng judgment kahit hindi pa alam kung ano ba ang tunay na mga nangyari.


“It’s so important to know kung sino ka talaga. Kasi once you know who you are, then everyone else, parang ingay lang iyan e.

“Dini-distract ka sa dream na gusto mong ireach. So focus ka lang. Kasi si Lord, may plano yan. And all the judgment, importante yan para maging strong ka.

“You have to feel there’s a little challenge na uh medyo mabigat ang pinagdadaanan para sa future, magaan na lang lahat. And know na you have a big future waiting for you,” paalala pa niya sa madlang pipol.

Matatandaang nagpaliwanag si Kristel sa isa niyang vlog tungkol sa cancellation ng kanyang hosting gig, “Unfortunately, hindi na ako ang magho-host ng event. First time kong maka-experience ng ganitong scenario sa 20 years ko sa entertainment industry.

“Sinabihan ako ng (Korean technical director) na hindi ako ang magho-host. Parang huh, sandali lang naman, anong nangyari?

“Ang tagal kong nag-prepare para rito, and wala akong tinanggap na hosting kundi ito lang. Ang event lang na ‘to para lang kay Seo In-guk.

“Alam ko na hindi naman ako expert sa hosting, pero alam ko na kaya kong kumonek sa kapwa fans ni Seo In-guk and ito ang pinakagusto ko. Eleven years akong fan ni Seo In-guk kaya tinanggap ko ‘to kasi tinitignan ako as representative,” aniya pa.

Kristel Fulgar binanatan ng bashers matapos ilabas ang vlog sa fan meeting ni Seo In-guk, deserve raw ma-elbow bilang host?

Kristel Fulgar naka-videocall ang Korean idol na si Seo In-Guk: Ang tagal kong hinintay ‘yun!

Read more...