Karen Bordador malalim ang hugot tungkol sa 'trayduran' sa 'PBB 10' | Bandera

Karen Bordador malalim ang hugot tungkol sa ‘trayduran’ sa ‘PBB 10’

Ervin Santiago |December 08,2021
facebook
share this

Karen Bordador malalim ang hugot tungkol sa ‘trayduran’ sa ‘PBB 10’

Ervin Santiago - December 08, 2021 - 03:12 PM

Karen Bordador

NAKALABAS na ng “Pinoy Big Brother” house si Karen Bordador pero mukhang may “hangover” pa siya sa mga naging karanasan niya sa loob ng Bahay ni Kuya. 

Si Karen ang latest na napalayas sa “PBB Kumunity Season 10” sa naganap na eviction night last weekend kasama ang isa pang kontrobersyal celebrity housemate na si TJ Valderrama.

Naging maingay din sa madlang pipol ang pagiging housemate ni Karen sa “PBB” celebrity edition dahil sa mga isyung kinasangkutan niya sa loob ng Bahay ni Kuya.

At ngayong nasa outside world na nga siya, patuloy pa rin siyang nagsasalita at nagbibigay ng opinyon tungkol sa mga natitirang housemates ni Big Brother.

Nitong nagdaang araw lang ay muling nagpakawala ng matapang na pahayag si Karen tungkol sa traydurang nagaganap sa PBB house.

Sa kanyang Twitter account, inalala ng radio DJ ang ilang eksena sa kanyang pananatili sa Bahay ni Kuya kung saan sinabi niyang mas gusto niyang prangkahin ang isang tao kesa makipagplastikan at makipaglokohan.

“I’m more comfy to say it face to face than to go behind someone’s back… that just feels way more uncomfy.

“Keeping it real is better than keeping it safe and deceiving,” tweet ni Karen.

Diin pa ng dating housemate, okay lang sa kanya na kainisan o ayawan ng mga tao basta’t nasa panig siya ng katotohanan.

“Better be disliked for the truth than loved for a lie. But syempre it’s always better to be liked cause you always reveal your truths,” pahayag pa ni Karen.

Hindi siya nagbanggit ng pangalan pero kung matatandaan, bago pa sila mapalayas ni TJ sa Bahay ni Kuya ay nagkainitan pa sila at nagkasagutan.

Nagkabati naman ang dalawa matapos makapag-usap pero mukhang hindi pa nga napapatawad ni Karen si TJ kaya hanggang ngayon ay panay pa rin ang kanyang mga hugot post.

View this post on Instagram

A post shared by Karen Bordador (@karen_bordador)


Kahapon, Dec. 7, nag-tweet uli ang dalaga na may kinalaman pa rin sa “backstabbing” umano sa loob ng PBB house.

Aniya, kahit daw nasa outside world na siya ay hindi pa rin niya keri na mapanood ang mga paninira nang talikuran ng housemates laban sa isa’t iisa.

“I don’t want to watch the backstabbing or whatever whoever said against who on BNK (Bahay Ni Kuya).

“I honestly don’t want to look at the HMS (housemates) differently. Sometimes…feelings don’t think and their words follow their idle thoughts.

“I always believe everyone has a heart,” aniya pa.

Kinagabihan ay muling nag-post sa Twitter si Karen at sinabing ayaw niyang panoorin kung sinu-sino sa mga dati niyang kasamahan sa Bahay ni Kuya ang nag-nominate sa kanya para matanggal.

“So I told myself I wont bother to even check who nominated me and for what reason din… teehee.

“Syempre para clean slate outside for everyone. Still not tempted to know.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Funny lang inside we’re meant to be close and still to nominate each other at the same time,” sey pa ng DJ.

TJ Valderrama, Karen Bordador tanggal na rin sa ‘PBB 10’, Alexa Ilacad nakaligtas na naman

‘PBB’ housemates TJ Valderrama, Karen Bordador nagkomprontahan, nagsagutan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending