Nadine Samonte nagsalita na sa isyu ng tarayan, isnaban sa pagitan nila ni Yasmien Kurdi sa ‘StarStruck’: ‘Akala nila nag-iinggitan at nagta-trashtalk kami’

Nadine Samonte nagsalita na sa isyu ng tarayan, isnaban sa pagitan nila ni Yasmien Kurdi sa 'StarStruck': 'Akala nila nag-iinggitan at nagta-trashtalk kami'

Yasmien Kurdi at Nadine Samonte

KALAT na kalat noon sa apat na sulok ng kashowbizan ang tsismis na nag-iisnaban at nagta-trashtalk laban sa sa isa’t isa sina Yasmien Kurdi at Nadine Samonte.

Nagsimula ito nang uminit ang labanan at paandaran sa kauna-unahang edisyon ng Kapuso original reality talent search na StarStruck kung saan naging bahagi nga sina Nadine at Yasmien.

Ang naging Ultimate Female Survivor sa kanilang batch ay si Jennylyn Mercado habang si Mark Herras naman ang nagwaging Ultimate Male Survivor.


Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” mariing dinenay ni Nadine ang kumalat na chika noon na nagtatarayan sila kapag nagkikita dahil hindi umano nila type ang isa’t isa.

Sey ni Nadine, “I’m so happy Tito Boy, kasi bumabalik sa akin na magkasama kami noong StarStruck days.

“Kasi hindi nagbago si Yasmien, ganu’n pa rin siya, kalog, makulit. And siya pa rin ‘yung Yasmien na nakilala at nakasama ko noon. I felt comfortable with her talaga,” pahayag ni Nadine.

Fake news din daw ang chika na ayaw nila sa isa’t isa, “No. That’s not true. No, no.”

Paliwanag pa ni Nadine, walang isnaban at tarayan na nangyari sa pagitan nila ni Yasmien kahit na noong kasagsagan ng labana nila sa “StarStruck.”

“‘Yung mga taong sa paligid namin… actually akala nila na nag-iinggitan kami, nagta-trashtalk kami sa isa’t isa. Pero no.

“Actually ‘yung mga tao sa paligid namin sila ‘yung pinipilit na siraan kami sa isa’t isa,” paglilinaw pa ni Nadine.

Baka Bet Mo: Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya!

Natanong din ang Kapuso actress kung anu-ano ang mga hindi niya malilimutang experience at memories noong mag-join siya sa “StarStruck” first edition.

“Hindi ko makakalimutan ‘yung magkakasama kaming lahat sa Baguio. Ang daming test and ang dami naming kailangang gawin as a group.


“Tapos noong natalo kami, lahat kami tatalon sa swimming pool na sobrang lamig. Kasi after no’n nagpantal-pantal ako,” natatawang pagbabalik-tanaw ng aktres at celebrity mom.

Samantala, makalipas ang 10 taong pamamahinga sa pag-arte, balik uli sa harap ng mga camera si Nadine para sa upcoming Kapuso series na “The Missing Husband,” kung saan muli niyang makakasama si Yasmien.

Bukod sa dalawang Kapuso stars, ka-join din sa serye sina Rocco Nacino, Sophie Albert, Jak Roberto, Joross Gamboa, Shamaine Buencamino, Michael Flores, Maxine Eigenmann, Cai Cortez, Bryce Eusebio, at Patricia Coma.

Mula sa direksyon ni Mark Reyes, magsisimula na ang “The Missing Husband” sa August 28, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Yasmien Kurdi naloka matapos magkamali ng pinasok na tent sa taping: ‘Set po ito nina Bea Alonzo…’

Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang…

Read more...