Kathryn hindi natatakot para sa loveteam nila ni Daniel: 'Importante magkasama kami off cam, at sobrang supportive niya sa 'kin' | Bandera

Kathryn hindi natatakot para sa loveteam nila ni Daniel: ‘Importante magkasama kami off cam, at sobrang supportive niya sa ‘kin’

Ervin Santiago |August 28,2023
facebook
share this

Kathryn hindi natatakot para sa loveteam nila ni Daniel: ‘Importante magkasama kami off cam, at sobrang supportive niya sa ‘kin’

Ervin Santiago - August 28, 2023 - 07:35 AM

Kathryn hindi natatakot para sa loveteam nila ni Daniel: 'Importante magkasama kami off cam, sobrang supportive niya sa 'kin'

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

HINDI nag-aalala ang Box-office Queen na si Kathryn Bernardo para sa loveteam nila ni Daniel Padilla kahit matagal na silang hindi nagsasama sa teleserye at pelikula.

Naniniwala si Kath na naiintindihan ng mga KathNiel fans ang desisyon nila ni DJ na magkanya-kanya muna at mag-try ng mga bagong projects kung saan mas maggo-grow sila as solo artists.

Tulad na lang ng pinakabagong pelikula ni Kathryn na “A Very Good Girl” under Star Cinema kung saan makakasama niya ang internationally-acclaimed actress na si Dolly de Leon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ko ‘yun iniisip (maaapektuhan ang KathNiel loveteam), kasi iba na ‘yung sitwasyon natin.

“Basta lalabas sila sa sinehan at pag-uusapan ‘yung movie, idi-discuss ‘yung mga opinions nila, ‘yun masaya na kami. More than that hindi ko na iniisip,” pahayag ni Kathryn sa presscon ng “A Very Good Girl.”

Paliwanag pa ng dalaga, “Naging mutual ‘yun decision na ‘yun sa ‘min and ‘yung project ni Deej kailangan niyong abangan. Sobrang ganda rin nung material na ‘yun.

Baka Bet Mo: Marco Gallo sa intimate scene nila ni Rose Van Ginkel: She’s 25 but she kisses like she’s 16

“Importante, magkasama kami off cam pero sobrang supportive lang siya rito sa akin. Happy siya kasi alam niyang sobrang saya ko, everytime na nagsu-shoot ako for this movie,” aniya pa.

“Nakakatuwa lang na sana mag-open din ito ng doors, hindi lang sa akin kung hindi sa ibang mga projects na ginagawa pa ngayon ng ABS,” sabi pa ni Kathryn.

In fairness, turning 11 years na ang relationship ng KathNiel pero sa ngayon, wala pa raw talagang planong magpakasal ang celebrity couple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Wala, tagal pa kasi ngayon nandito kami sa peak namin ni Deej na kailangan naming magtrabaho especially may bahay na pinapagawa, ang daming gastos. Parang alam din namin sa sarili namin na hindi pa time and open kami about it.

“Iba-iba naman ‘yung time ng lahat so ngayon, attend lang kami ng kasal, kunin niyo muna kaming bridesmaids, okay lang ‘yun.

“He respects my timing din. Sa akin, alam ko rin na hindi pa ako ready, ayaw kong pilitin ‘yung mga ganoon. Importante masaya tayo ngayon, take it day by day,” sabi pa niya.

Samantala, bukod sa pinakaaabangang “A Very Good Girl,” bibida rin si Kathryn sa historical film na “Elena 1944,” directed by award-winning filmmaker Olivia Lamasan mula sa Black Sheep.

For his part, bibida naman si Daniel sa dark thriller and buddy comedy movie na wala pang title. At susunod nga rito ang ipinangakong comeback movie ng KathNiel na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

Rochelle Pangilinan nanindigan sa kanyang kandidato: Isa rin siyang ina gaya ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lauren Dyogi dedma muna sa mga umalis na Kapamilya: Mas importante ‘yung mga kasama ko ngayon…sa hirap at ginhawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending