Michael Flores nawalan ng milyones matapos ma-scam: ‘Gusto lang naman namin kumita kahit paano yung perang pinaghirapan namin’

Michael Flores nawalan ng milyones matapos ma-scam: 'Gusto lang naman namin kumita kahit paano yung perang pinaghirapan namin'

Michael Flores

MILYONES din ang nawala sa aktor-dancer at dating matinee idol na si Michael Flores matapos mabiktima ng mga scammer.

Kaya naman relate much siya sa kuwento ng bago niyang afternoon series sa GMA 7 na “The Missing Husband” na tatalakay sa mga taong manloloko at ng kanilang mga nabiktima.

Kuwento ni Michael, limang taon nang nangyari ang pang-i-scam sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nababayaran ng mga taong tumangay sa parang pinaghirapan niya.

“Hanggang ngayon, ongoing pa siya. Actually matagal na ito, e, this was five years ago na, limang taon, five years na siya. Pero unfortunately, talagang yung tao nagtatago na, alam mo na, yung the usual,” ang rebelasyon ng aktor sa presscon ng “The Missing Husband” last August 22.


“Nag-start yung investment namin actually maganda naman, e. And then, a couple of months nagtayo rin siya ng sarili niyang networking, doon napunta yung in-invest namin. Actually hindi naman kami talaga doon nag-invest, doon napunta.

“And then we found out na never pala siyang nagpasok ng sarili niyang pera, yung personal money niya, hindi niya pinasok.

“Kaming mga investors pala yung ginamit niya na pera para makapagpatayo siya ng sarili niyang networking company.

“So, hindi tumagal ng one year nagsara kaagad and, unfortunately, yung pera ko nandoon, naipit. Naging ano pa nga kami noon, e, naging endorsers pa nga kami ng wife ko du’n e,” pagbabahagi pa ni Michael na ang tinutukoy na wife ay ang former beauty queen na si Nina Ricci Alagao.

Ayon pa sa aktor, milyon din ang nawala sa kanila nang dahil sa nabanggit na investment scam, “May milyon din maya masakit. Actually, tatlo silang sinisingil ko pero ito yung pinakamalaki kasi.

Baka Bet Mo: Hugot ni John Prats: Pumasok ako sa ‘Probinsyano’ wala pa akong anak, tapos ngayon 3 na sila

“Actually nagpaparamdam siya kasi, once in a while, hindi ko na kasi minsan mapigil ini-expose ko na siya, e. May time nga na nilabas ko na yung mukha nila sa social media. Ganun kalala na umabot.

“And then, may mga kausap na rin ako kasi plano na rin namin talagang i-expose ‘tong tao na ‘to and then kakasuhan na rin namin at the same time.

“Sanay siya kasi na kasuhan, e! Marami nang nagkaso sa kanya pero mukhang nakakalusot siya, e. Although nakulong na siya before pero siyempre nakapag-bail,” kuwento pa ni Michael.


Aminado naman siya na hindi niya talaga ganu’n kakilala ang scammer, “Iyon din yung mali ko, e. Kumbaga, meron lang akong mutual friend na ni-refer sa akin ‘tong taong ‘to and then I really thought… kasi Christian siya. I mean, hindi mo masasabi, e, Christian siya.”

Dugtong pa niya, “At first talaga kumikita naman, pero eventually iyon nga nung nag-shift yung business niya sa iba, gumawa siya ng sarili niyang networking company, doon na nagkaproblema. Actually maliit pa nga yung pera ko, e. Yung ibang investors malalaki talaga, as in malalaki talaga!”

Sa ngayon, hoping si Michael na maibabalik pa rin ang parang na-scam, “Nagpaparamdam pa naman siya sa akin, so hopefully, Pero minsan kasi, alam mo yun, ang problema kasi nakailang proposals na siya, sobrang dami ng proposals.

“Tapos sa laki ng utang niya sa akin, magbibigay siya one thousand pesos, minsan two thousand pesos, sabay biglang ilang araw or linggo even months hindi siya magpaparamdam ulit.

“So that was the time na inaano ko na naman, ilalabas ko siya sa social media kasi nga parang nagtatago na, e!

“So, paano ko siya, di ba, makakausap kung hindi siya magpaparamdam? Pag lumabas siya sa social media, nakita niya, ayun magpaparamdam siya ulit,” sabi pa niya.

Para naman sa mga tulad niyang na-scam, “Unang-una, lalo na kapag hindi mo talaga personal na kilala or regardless kahit na personal na kilala mo pa, kasi totoo naman money is the root of all evil. Totoo yun.

“Basta pera, walang kaibigan, walang kamag-anak, walang pami-pamilya pag pera na ang pinag-usapan. Iyon ang masakit na katotohanan. So, kumbaga, mag-ingat na lang talaga lalo na pag too good to be true yung offer, yung investment. Di ba?

“Although yung sa akin, actually maliit na percent lang yun, e. Pero lalo na yung iba kasi, di ba, double your money, triple your money, kikita ng 50 percent, pataas. Pag ganu’n na yung offer nila, medyo ano na kayo, mag-no na kayo agad,” dagdag pa niyang paalala.

Sentimyento pa ng aktor, “Ang problema, kaming mga artista, pinaghirapan namin ‘tong pera na ‘to e, dugo’t pawis ‘tong ano namin, etong ginagawa namin para kumita kami, di ba?

“Kumbaga, gusto lang naman namin na kahit paano kahit konting sideline, konting pera, kumita naman yung pera na pinaghirapan namin, di ba?

“Pero unfortunately, may mga tao talagang hindi mo maiiwasan na… scammers. So, well, ganu’n talaga ang buhay, e.

“Kumbaga, itong show namin based on true events ito, e. True story na nga kung masasabi mo na, e.

“Kumbaga, fictional yung characters, pero based on true events yung mga makikita niyong eksena dito. Kaya mararamdaman talaga ng lahat lalo na yung mga na-scam,” pagbabahagi pa ni Michael Flores.

Magsisimula na bukas, August 28, ang “The Missing Husband” sa GMA Afternoon Prime. Kasama rin dito sina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Nadine Samonte at marami pang iba.

Toni Fowler ‘nadismaya’ sa birthday gift ng dyowa na si Vince Flores, bakit kaya?

Hirit ni Angelica bago nalamang buntis na: Napakamaldita ko, nagiging halimaw ako…iyon na pala iyon!

Read more...