Michael Flores nabiktima ng Basag-Kotse Gang: Diyos na lang bahala sa inyo | Bandera

Michael Flores nabiktima ng Basag-Kotse Gang: Diyos na lang bahala sa inyo

Ervin Santiago |December 03,2020
facebook
share this

Michael Flores nabiktima ng Basag-Kotse Gang: Diyos na lang bahala sa inyo

Ervin Santiago - December 03, 2020 - 05:36 PM

NABIKTIMA ng Basag-Kotse Gang ang aktor at dating matinee idol na si Michael Flores.

Hindi niya nabanggit kung anu-ano ang natangay ng mga magnanakaw mula sa kanyang kotse matapos basagin ang salamin sa kanang bahagi ng sasakyan.

Ipinost ng “T.G.I.S” actor sa kanyang Instagram account ang mga litrato ng pag-aari niyang kotse kung saan makikita ang mga bubog ng salamin sa passenger’s seat.

Kuwento ng asawa ng beauty queen-actress na si Nina Alagao, umatake ang mga salarin habang naglalaro siya ng badminton.

“Unfortunately, while I was parked outside the resto after playing badminton, this happened…tsk.. Diyos na lang bahala sa inyo…” ang caption ni Michael sa kanyang IG post.

Hindi rin nabanggit ni Michael kung nag-report pa siya sa pulis matapos madiskubre ang ginawang pagbasag sa kanyang kotse.

Ilang kaibigang celebrities ang nag-alala at nagpaabot ng mensahe sa aktor kabilang na si Ara Mina at ang actor-dancer na si Joshua Zamora.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending