Vice hinding-hindi iiwan si Awra pero inaming pinagpahinga muna: ‘Para mahimasmasan, ako rin pahuhupain ko kasi galit ako, mainit din ang ulo ko’

Vice hinding-hindi iiwan si Awra pero inaming pinagpahinga muna: 'Para mahimasmasan, ako rin pahuhupain ko kasi galit ako, mainit din ang ulo ko'

Vice Ganda at Awra Briguela

NILINAW ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ang balitang binitiwan na raw niya ang anak-anakang si Awra Briguela bilang talent manager.

Ipinagdiinan ng TV host-comedian na siya pa rin ang manager ni Awra at walang katotohanan ang chika na nilayasan na niya ang teenstar matapos itong maaresto at makulong.

“Yeah, she is still my talent. Alam mo nagtataka ako kung saan nila nakukuha. One, no one asked me, ikaw lang ang nagtanong sa akin.


“I was not interviewed by anyone so nagtataka ako kung saan nila nakukuha ‘yung chikang iniwan ko si Awra. Na-interview ba nila si Awra?” ang pahayag ni Vice Ganda sa panayam ng ABS-CBN News.

Paliwanag pa niya, “Kasi si Awra cannot be interviewed by anyone, bawal kasi siya ma-interview. Kaya grabe talaga ‘yung clout-chasing, ‘yung para magamit ‘yung pangalan ko, ‘yung pangalan ni Awra.”

Baka Bet Mo: Awra Briguela may patama kay Skusta Clee: Kapal din nung mukha ng isa dyan

Ang kinumpirma ni Vice ay ang balitang rest muna ngayon si Awra after makalaya pansamantala mula sa kulungan matapos magpiyansa sa mga  kasong isinampa sa kanya dahil sa iskandalong kinasangkutan sa labas ng isang bar sa Makati City.

“Pinagpahinga ko muna siya ng ilang araw para mahimasmasan. Tapos ako din papahupain ko kasi siyempre galit din ako, mainit din ang ulo ko,” paliwanag pa ni Vice.


Nakausap na rin daw niya ang tatay ng kanyang talent, “‘Yung usapan na ‘to, everything is coming from concern, love and support.

“‘Yung mga issues na hindi ko na muna ita-tackle, bahala na ‘yan sa susunod. Ang gusto kong klaruhin ay hindi kami naghihiwalay ni Awra.

“Hindi ko siya iiwanan lalung-lalo na sa posisyon ng buhay niya, she needs guidance and I will be there for her. She’s okay. She’s trying to be better everyday.

“Wala tayong magagawa, nangyari na ‘yun. Magsisisihan pa ba tayo? Magmumurahan pa ba tayo? What can we learn from this especially you?

“What can you learn from this experience? How can this experience strengthen you as a person and empower you to be a better person?” ang pahayag pa ni Vice sa nasabing interview.

Awra Briguela tinulungan ni Vice Ganda na makalaya, PA ni Ion Perez ang sumundo sa kulungan

Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Read more...