PUMANAW na ang Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople ngayong araw, Agosto 22, sa edad na 61 dahil sa breast cancer.
Ayon sa inilabas na official statement ng Department of Migrant Workers, pumanaw ito kaninang ala-una ng hapon kasama ang kanyang pamilya.
“It is with great sadness that the Department of Migrant Workers announces the passing of our dearest Secretary Susan ‘Toots’ Ople.
“Secretary Toots peacefully joined our Creator at around 1PM today, August 22, 2023 surrounded by her family and loved ones,” bahagi ng pahayag.
Baka Bet Mo: Actor-director Ricky Rivero pumanaw na sa edad 51: ‘Asawa pahinga ka na, wala ka nang sakit na mararamdaman’
Si Ople ang kauna-unahang secretary ng Department of Migrant Workers na siyang nagbibigay tulong at assistance sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) gaya ng pagbibigay skills training at job placements sa tulong ng kanilang mga partners.
Noong 2022, kinuha siya ni Presidente Bongbong Marcos para maging parte ng kanyang gabinete at siyang namuno sa bagong tatag na Department of Migrant Workers.
Nagsilbi rin si Ople bilang Undersecretary ng Department of Labor and Employment sa ilalim ng pamumuno ng dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.
July 2023 nang aminin niya sa publiko ang kanyang pinagdaanang laban sa sakit na breast cancer noong 2020 kung saan sumailalim din siya sa operasyon.
Iba pang Balita:
Saudi magbibigay ng P30.5-B para bayaran ang 10,000 OFWs na hindi pinasahod
Ex-DFA Chief Albert del Rosario pumanaw na sa edad 83