Erik Santos sa pagiging ulilang lubos: ‘Hindi ko na ma-explain kung saan ko pa kukunin ‘yung strength!?’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Erik Santos at Renato Santos
NAPAKASAKIT para kay Erik Santos at sa kanyang pamilya ang pagkamatay ng kanyang tatay, ilang buwan lamang matapos pumanaw ang pinakamamahal na ina.
Ulilang lubos na ngayon ang Prince of Pop ng Pilipinas at aminado siyang napakatinding pagsubok nito sa kanya pati na sa buo nilang pamilya at iba pang mga kaanak.
Ayon kay Erik, hindi pa man sila ganap na nakaka-move on sa pagpanaw ng kanyang inang si Gng. Angelita noong Nobyembre ng nakaraang taon ay heto’t panibagong pagsubok na naman ang kanilang pinagdaraanan.
Last August 11 nang kumpirmahin ng Kapamilya singer na sumakabilang-buhay na rin ang kanyang amang si Daddy Nats o Renato Aquino Santos.
Sabi ni Erik, doble-dobleng sakit ang nararamdaman niya ngayon dahil iniwan na rin siyang tuluyan ng kanyang tatay kaya hindi na niya alam kung saan pa kukunin ang katapangan at katatagan para matanggap niya ang katotohanang pareho na siyang iniwan ng mga magulang.
Sa vlog ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz na “Showbiz Update”, naikuwento niya ang pagpunta sa last night ng burol na tatay ni Erik.
Dito, napakinggan niya ang eulogy ng singer kung saan inamin nga ni Erik na hindi niya ma-explain ang nararamdamang emosyon sa pagkawala ng mga magulang.
“It’s been really tough for everyone in the family. Losing my mother is unbearably painful for me.
“But losing both your parents, parang hindi ko na ma-explain kung saan pa kukunin ‘yung strengt and ‘yung courage na kailangan ng buong pamilya para ma-sustain po kami.
“Pero, hindi po ‘yun ang gusto ni Tatay. Ang gusto ni Tatay, happy at chill lang,” ang bahagi ng mensahe ng singer para sa lahat ng nakiramay sa kanilang pamilya.
Ibinalita ni Erik ang pagpanaw ng kanyang tatay nitong nagdaang August 10 sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
Ang caption na inilagay ni Erik sa kanyang IG post, “Mahal na mahal kita, Tay.
“I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith.
“Now there is in store for me the crown of righteousness, which the Lord, the righteous Judge, will award to me on that day—and not only to me, but also to all who have longed for his appearing. – 2 Timothy 4:7-8,” ang buong IG post ni Erik Santos.