Zia Dantes ‘Most Outstanding Swimmer’, Dingdong hindi present sa event ng anak pero…

Zia Dantes ‘Most Outstanding Swimmer’, Dingdong hindi present sa event ng anak pero…

PHOTO: Instagram/@marianrivera

KUNG swimming ang usapan, tiyak na bidang-bida diyan ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia.

Makalipas kasi ang isang buwan na humakot ng medalya sa isang swimming competition, nag-uwi nanaman siya ng panalo!

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Marian ang nakuhang “Most Outstanding Swimmer” award ng anak mula sa isang swimming carnival.

Wika ng Kapuso Primetime Queen, “Speechless and proud of you, Zia! [emoji]”

“Being awarded the most outstanding swimmer at the Speedo Jumpstart Novice Swim Carnival is a testament to your hard work and dedication,” sey niya sa post.

Mensahe pa niya sa anak, “Watching you grow from the beginning ‘till now fills Mama’s heart with pride. Keep giving your best, guided by the grace of our Lord Jesus Christ.”

Baka Bet Mo: Dingdong ayaw munang isiping nagdadalaga na si Zia, umaming mahirap ding maging ‘model dad’: ‘Iba yung expectation versus reality’

Napagalaman namin na hindi nakadalo si Dingdong sa naganap na kompetisyon, pero nagpaabot naman siya ng isang heartfelt message para sa anak.

Sa Instagram, ibinandera ng Kapuso Primetime King ang ilang litrato ni Zia habang nagte-training.

Sinabi rin niya na kahit wala siya sa araw ng laban ni Zia ay nakapunta naman siya habang nagpa-practice ito.

Paliwanag pa niya, hindi siya nakapunta sa mismong kompetisyon dahil kinailangan niyang magtungo sa Davao para sa kanyang trabaho.

“Please understand that regardless of the outcome, I am already incredibly proud of the dedication, passion, and enthusiasm you bring to this sport,” mensahe niya sa anak.

Bahagi pa ng kanyang post, “Of course, remember to extend your gratitude to your Mama for her constant support and guidance. Just as she has been for me, she undoubtedly serves as your lucky charm as well.”

Related Chika:

Alfred Vargas super proud tatay nang makakuha ng medal ang anak sa swimming competition

Read more...