Rabiya nalaglag sa swimming pool habang nasa Miss Universe pictorial, video shoot
AKSIDENTENG nahulog sa swimming pool ang Pinay beauty queen na si Rabiya Mateo habang kinukunan para sa pictorial at video shoot ng Miss Universe 2020 pageant.
Tawa nang tawa ang dalaga nang mangyari ang insidente kung saan talagang nabasa ang kanyang OOTD.
Base sa video clip na ipinost sa Instagram ng training camp ni Rabita sa social media, ang Aces & Queens, kasama ng dalaga ang iba pang kandidata ng Miss Universe sa nasabing fun shoot na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Florida.
Makikita sa video si Miss Philippines Universe suot ang kanyang pink dress with matching hat, na nag-e-explain matapos mahulog sa swimming pool habang kinukunan sila ng litrato at video.
“A lot of things happened. First of all, I accidentally fell in the pool so I got half of my outfit wet. And then I almost lost my diamonds,” aniya.
Hindi naman daw siya nasaktan sa naganap na aksidente at siniguro rin niya na safe ang mga suot niyang diamonds na hiniram lang daw niya.
“I just want to let you know that the diamonds are safe. You have nothing to worry about. I just want to say thank you to Drake of Luna for letting me borrow his diamonds,” pahayag pa ni Rabiya sa kanyang Instagram Story.
Sa isang interview ni Rabiya, nangako siyang gagawin ang lahat para maiuwi muli sa Pilipinas ang Miss Universe crown.
Si Rabiya ang unang magiging representative ng bansa sa ilalim ng bagong Miss Universe Philippines na pinamumunuan ni Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup at ng beauty queen maker at talent manager na si Jonas Gaffud.
Sa mga nakaraang taon, ang mga Miss Universe delegates ng bansa ay ipinadadala ng Binibining Pilipinas Charities Inc., tulad nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.
Gaganapin ang 69th Miss Universe sa Florida, USA sa darating na May 16 (May 17 sa Manila).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.