Facebook at Instagram account ni Apollo Quiboloy burado na
WALA na ang Facebook at Instagram account ng founder at leader ng King of Jesus Christ (KOJC) Apollo Quiboloy.
Marami sa mga netizens ang nakapansin na hindi na accessible ang mga social media pages nito mula pa noong Huwebes, August 17.
“This content isn’t available right now. When this happens, it’s usually because the owner only shared it with a small group of people, changed who can see it or it’s been deleted,” ito ang lumalabas kapag inilalagay ang Facebook url ni Apollo Quiboloy.
Samantala, kapag hinanap naman ang kanyang Instagram page ay lumalabas ang “Sorry, this page isn’t available. The link you followed may be broken, or the page may have been removed.”
Wala pa namang inilalabas ng official statement ang Meta ukol sa pangyayari sa mga naturang social media pages ni Quiboloy.
Noong June ay tinake down ng YouTube ang kanyang channel matapos magreklamo ng isang Canadian content creator kung bakit available pa ang account nito gayong wanted na ito sa Estados Unidos.
Samantala, noong July naman ay nag-babu na rin ang TikTok account ni Quiboloy dahil na-violate nito ang community guidelines ng naturang platform.
Matatandaang ang self-proclaimed “Appointed Son of God” ay parte ng wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI).
Baka Bet Mo: Apollo Quiboloy nawalan ng YouTube channel matapos isumbong ng netizen, may nilabag na guidelines
View this post on Instagram
“Apollo Carreon Quiboloy, the founder of a Philippines-based church, is wanted for his alleged participation in a labor trafficking scheme that brought church members to the United States, via fraudulently obtained visas, and forced the members to solicit donations for a bogus charity, donations that actually were used to finance church operations and the lavish lifestyle of its leaders,” nakasaad sa wanted order mula sa FBI.
Siya rin ang kilalang spirtual adviser ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Related Chika:
Pastor Quiboloy sinampahan ng kasong sex trafficking sa Amerika
Babala ni Quiboloy sa mga bumabanat sa kanya: Makikita n’yo ang mas matindi pa sa Omicron virus
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.