Kim Chiu inintriga ng basher dahil sa sandamakmak na pares ng sapatos, ipinagtanggol ng mga supporters

Kim Chiu inintriga ng basher dahil sa sandamakmak na pares ng sapatos, ipinagtanggol ng mga supporters

NA-BASH nang slight ang “It’s Showtime” host na si Kim Chiu when she posted a short video sa kanyang Instagram account recently.

Sa video kasi, ipinakita ang dalaga habang nagbibihis sa kanyang kuwarto. Sa likod niya, kitang-kita ang sneaker collection niya na sa tingin namin ay mahigit isang daang pares.

“Get ready with me kind of video!!!! Have a great day ahead everyone!!!” caption ni Kim sa kanyang short video.

With that, may isang nagmahaderang basher ang nag-react and took a swipe at the “It’s Showtime” host. Ang feeling kasi ng basher ay nagyayabang ang TV  host-actress sa kanyang post. Parang ipinangangalandakan nitong marami siyang shoes. ‘Yan ang dating ni Kim sa basher.

“Wag masyadi mayabang sa mga sinusot at mga sapatos.ang daming wlang sapatos.at wlang ganian.ang tataas ang lalaki ng Maintenance nio. Sana share mo yan sa maraming tao,” say ng basher kay Kim.

Of course, IG followers of the “It’s Showtime” did not take it sitting down. Talagang kinuyog nila ang basher sa kanilang mga comments. Lait na kaliwa’t kanan ang inabot ng basher.

“papansin ka pa po, cge po para sumikat ka. Pulubi.”

“Kaya siya nag pursige para lahat ng gusto niya mabili niya.”

Baka Bet Mo:  Kim Chiu pinaghirapan nang bonggang-bongga ang pagpapatayo ng vacation house: ‘Isa talaga ‘yan sa mga pangarap ko’

“Wala sya paki sayo kanya yung pera hindi hiningi sayo.”

“makaka bili tlga sya nang madami sapatos kaw kaya monday to sunday may trabaho para wala nang tulog kimmy yata. Kaya ma bibili nya lahat nang gusto.”

“Syempre Artista yan kaya madaming collection ng sapatos yan wag kang comment ng comment ikaw ba mag artista ka try mo magsoot na iisa lang sapatos araw araw haha.”

“ikaw ante patawa ka hahaha ilang beses na yan nag vlog collection niya at pinaghirapan niya.”

“wag masyadi mayabang sa pagiging skwammy mo, wag mo na ishare yan sa maraming tao.”

“Ilan ang paa mo mi??? grabe mami kimchui sana all.. sampalin mo ako ng mga shoes mo hahahaha. Mwaaaa.”

Pero sa lahat ng comment ay ditto kami natawa: “iba na pla apelyido mo @chinitaprincess Kim Shoes… Waley!!!”

Related Chika:
Ate Lakam sa kanyang kapatid na si Kim Chiu: ‘I’m able to open my eyes because of you…You never left my side’

Kim Chiu napaiyak habang kausap ang ‘Mini Ms. U’ contestant na nakatira ang pamilya sementeryo…anyare!?

Read more...