SA kauna-unahang pagkakataon, bibisita at magtatanghal sa ating bansa ang Norwegian singer-songwriter na si Anna of the North!
Mangyayari ‘yan sa Samsung Hall sa Taguig City sa darating na September 29.
Ang Manila leg ay parte ng kanyang “CRAZY Tour” upang i-promote ang kanyang bagong album na pinamagatang “Crazy Life.”
Ilan pa sa mga bansa na parte ng kanyang concert tour ay ang New Zealand, Australia, at Japan.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng online press conference ang international singer at diyan niya sinabi na super excited na siyang makapunta sa ating bansa, lalo na’t first time niyang makikita sa personal ang Pinoy fans.
Baka Bet Mo: Kylie sa ‘craziest thing’ na ginawa sa pag-ibig: I got married, tinawag na ‘babe’ si Andrea
“I am super excited to meet them [Pinoy fans], and there will also always be a meet and greet for the first 300 who buys tickets. So that’s gonna be exciting,” sey niya.
Patuloy pa niya, “Like I’ve said, I’ve never been in Manila before so I’m just excited and take in the culture and people and I hope it’s gonna be a really, really huge experience for me and my band.”
“I can’t wait to share my music and this moment as well,” dagdag niya.
Nang tanungin naman ng BANDERA kung ano ang inihanda niyang sorpresa para sa upcoming concert.
Sinabi ni Anna na hindi pa niya ito pwedeng sabihin sa ngayon, pero tiniyak niya na magiging masaya ito.
“I can’t tell. But we’ll have a good time,” sagot ng singer.
Sambit pa niya, “I think my band and I will just really, really have fun on the stage and I hope that we can share that energy and bring a really good time to Manila.”
“Also [we’ll] play as much music that we can. I wonder what people wanna hear in Manila as well….and try to prioritize those,” aniya pa.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, dalawang hit songs ni Anna ang naging parte ng sikat na Netflix movies na “To All the Boys I’ve Loved Before” at sequel nito na “To All The Boys: Always and Forever” – ito ang kantang “Lovers” at “Dream Girl.”
Nakatrabaho na rin niya ang ilang bigating international artists kagaya nina Dua Lipa, HONNE, Tyler The Creator, Rex Orange County, Steve Lacy, Prep, Snake Hips, at Alina Baraz.
Ang tickets para sa upcoming concert ay mabibili sa SM Tickets mula P2,200 (Gold/Regular) hanggang P3,900 (VIP).
Related Chika:
James Reid ‘flopped’ daw ang bentahan ng tickets kaya kanselado ang North America tour, true kaya?