Pura Luka Vega muling kinasuhan, mga deboto ng Itim na Nazareno naman ang naghain ng reklamo

Pura Luka Vega muling kinasuhan, mga deboto ng Itim na Nazareno naman ang naghain ng reklamo

PHOTO: Instagram/@dragbingoph

NADAGDAGAN ang kinakaharap na reklamo ng controversial drag queen na si Pura Luka Vega.

‘Yan ay dahil pa rin sa kanyang viral video kung saan ginaya niya si Jesus Christ gamit ang religious song na “Ama Namin.”

Naghain ng criminal complaint ang mga deboto ng Itim na Nazareno o ‘yung tinatawag na “Hijos del Nazareno – Central” laban sa performer.

Para sa kaalaman ng marami, ang mga “hijos” ang nangangalaga sa imahe ng Black Nazarene tuwing “Traslacion” ng kapistahan ng Quiapo.

Ayon sa grupo, nilabag ni Pura Luka ang Article 201 Section 2 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa “indecent shows, publications or exhibitions,” gayundin ang Section 6 ng Cybercrime Prevention Act.

Baka Bet Mo: Kim Atienza kay Pura Luka Vega: I sincerely hope you develop the empathy

Ang mga nabnggit ay kapareho ng mga isinampang reklamo ng mga opisyal ng Philippines for Jesus Movement sa pangunguna nina Bishop Leo Alconga, Pastor Romie Suela at Pastor Mars Rodriguez noong nakaraang buwan.

Kung maaalala, mainit na pinag-usapan sa online world ang video ng drag artist na makikita siyang nakabihis bilang si Hesus habang kumakanta at sumasayaw siya sa remix version ng “Ama Namin.”

Ibinandera niya ‘yan mismo sa kanyang Twitter account at may caption pa na, “Thank you for coming to church!”

Ayon sa complainants, taong 2021 pa may ibinabahagi nang kaparehong mga litrato at videos sa social media ang drag queen.

“In one very upsetting video, Pura Luka Vega can be seen critiquing a (communion) host, an act considered sacrilegious considering that, as Catholics, the host is highly revered,’’ saad sa pahayag ng mga nagreklamo.

Dagdag pa nila, “In as much as Pura Luka Vega enjoys the freedom of artistic expression, he has the correlative duty as a citizen to…act within the bounds of the laws.”

“[His] unabated sacrilege consisting of blasphemy and desecration acts [spread online]…and unremorseful attitude insult our faith and strongly offend our religion,” anila.

Magugunitang maraming lugar na ang nagdeklara ng “persona non grata” o unwelcome person si Pura Luka.

Kabilang na riyan ang Maynila, Floridablanca sa Pampanga, Toboso sa Negros Occidental, General Santos City, Cagayan de Oro City, Laguna, Bukidnon, at recently lamang ay ang Occidental Mindoro.

Humingi naman ng sorry ang drag queen sa lahat ng na-offend o nasaktan sa kanyang drag art performance pero nanindigan pa rin na wala siyang ginagawang masama.

Related Chika:

Read more...