Showbiz couple halos ipako sa krus ng netizens, binastos daw si Jesus Christ | Bandera

Showbiz couple halos ipako sa krus ng netizens, binastos daw si Jesus Christ

Ervin Santiago |April 22,2019
facebook
share this

Showbiz couple halos ipako sa krus ng netizens, binastos daw si Jesus Christ

Ervin Santiago - April 22, 2019 - 12:01 AM


HALOS ipako sa krus ng mga netizens ang magdyowang sina Gwen Zamora at David Semerad nitong nagdaang Holy Week dahil sa kanilang pasabog na Instagram photo.

Until now ay talagang bina-bash sila ng mga moralista at ilang Katoliko dahil sa halos hubad na nilang litrato sa IG na bumandera nga noong Biyernes Santo.

Sa nasabing mirror selfie, makikitang nakaharap sila sa salamin ng isang CR at parehong nakatapis lang ng tuwalya.

Medyo nakasilip ang isang dibdib ng aktres habang tanging private part lang ng dyowa niyang basketball player ang tinakpan nito ng tuwalya.

Comment ng isang netizen, “Grabee! parang di dapat i-post ang mga ganyan dahil hindi pa naman kayo mag-asawa… sorry my opinion only.”

Agad itong sinagot ni Gwen ng “Soon…soon,” with matching smirk emoji.

Hati ang reaksyon ng mga netizens sa litrato nina Gwen at David, may mga kumampi sa kanila pero mas marami ang bumabatikos at nagsabing isang kabastusan sa paggunita ng Semana Santa ang kanilang ginawa.

Sabi naman ng ilan nilang social media followers, hindi na nila iginalang ang araw ng paggunita sa pagkamatay ni Jesus Christ.

Kung hindi raw sila naniniwala sa Diyos pwede naman nila itong sarilinin pero para ibandera pa ang tila “pagse-sex” nila sa mismong Good Friday, ay kalabisan na.

Wala ng inilabas na pahayag ang magdyowa tungkol sa isyung ito. Bukas ang pahinang ito sa paliwanag nina Gwen at David.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending