Miles Ocampo ‘biggest blessing’ si Elijah Canlas: I love you with all my heart

Miles Ocampo 'biggest blessing' si Elijah Canlas: I love you with all my heart

BINANDERA ng TV host-actress na si Miles Ocampo ang pagmamahal nito sa dyowang si Elijah Canlas.

Nitong Miyerkules, August 16, ipinagdiwang ng binata ang kanyang kaarawan.

Ibinahagi ni Miles ang kanyang sweet birthday message sa kasintahan sa pamamagitan ng isang Instagram post kalakip ang video ng mga sweet and kulitan moments nila together.

“My bestfriend. My biggest blessing. I love you with all my heart, my love.

“Happy happy birthday, my buggy butbut,” mensahe ni Miles para kay Elijah.

Ibinahagi naman ng aktor sa kanyang Instagram story ang post ng kanyang nobya para sa kanya.

“thank you, my buggy. for every day. for every moment. for the love, strength, and peace. ilove you – today and always, my love,” saad ni Elijah kay Miles.

Super kilig naman ang nadarama ng mga netizens sa pag-iibigan ng dalawa.

Baka Bet Mo: Elijah Canlas pinigilan ang feelings kay Miles Ocampo: ‘Kasi ayoko talagang nagkakagusto sa mga nakakatrabaho ko’

Bandera IG

Marami rin ang nagpasalamat kay Miles sa patuloy nitong pananatili at pagmamahal kay Elijah sa kabila ng mga pinagdaraanan nito.

Hindi naman kaila sa publiko na kamakailan lang ay pumanaw ang nakababata niyang kapatid na si JM.

Base naman sa mga ibinahaging larawan ni Jerom, kapatid rin ni Elijah, nasa tabi nito si Miles habang nagluluksa sa pagkamatay ni JM.

“Happiest birthday nak, i know this is sa saddest bday you had but i know jm wants you to be happy and enjoy your special day… my wish for you is to stay strong and may all your wishes and dreams to come true,” pagbati ng ina ni Elijah sa post ng aktres.

Saad naman ng isang netizen, “So grateful for you miles. For sticking up and loving him esp in this trying times. Hbd, jelo. Love u both sm.”

“LOVE YOU BOTH!!!! Happy birthday Jelo!!! @elijahcanlas,” comment ni Inah Evans.

Sey pa ng ninang ni Elijah, “Hello gorgeous Miles! Thank you for your genuine love and support to Jelo! Happy birthday, my dear inaanak Jelo! Sending all our love and prayers to both of you and to the whole family. Hugs and kisses to all. We Love you all. God bless everyone.”

Related Chika:
Elijah Canlas inaming ‘the one’ si Miles Ocampo: ‘Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga’

Miles Ocampo sumailalim sa Thyroidectomy surgery, may paalala: With or without any health conditions, no to body shaming

Read more...