Jon Semira nagsalita na sa hiwalayan nila ni Yassi Pressman: The third party rumors are false

Jon Semira nagsalita na sa hiwalayan nila ni Yassi Pressman: The third party rumors are false

BINASAG na ng Filipino-Canadian businessman na si Jon Semira ang katahimikan ukol sa kanilang hiwalayan ng aktres na si Yassi Pressman.

Isang official statement ang inilabas ng binata sa kanyang Instagram page para matapos na ang mga usap-usapan ukol sa kanilang relasyon.

“After an amazing run, Yass[i] and I

have decided to part ways. We look to move on to our next phase in life in peace and with the support of our family and friends,” pagbabahagi ni Jon.

Aniya, matagal na rin buhat nang maghiwalay sila ng aktres at pinabulaanan rin nito ang isyung may ibang taong involved sa kanilang paghihiwalay.

“It’s been a while since the break up. It was a decision made from the both of us, and us only. The third party rumors are false,” giit ni Jon.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman bigla raw umatras sa engagement nila ni Jon Semira; tinawanan ang tsismis sa kanila ni Sandro Marcos

“We wish each other the best and will always appreciate what we had. Our relationship was beautiful and we are both coming out better people because of it,” dagdag pa ni Jon.

Hiling naman niya na sana ay irespeto ng mga tao ang kanilang desisyon at igalang ang kanilang pivacy habang nagmo-move on sa nangyari sa kanilang relasyon.

Sey ni Jon, “We ask that you let us deal with this in private as we move forward from this.”

Unang umugong ang balitang hiwalay na sila ni Yassi dahil sa cryptic post ng huli ukol sa kanyang pagiging “single” at “independent woman”.

Matapos ng isyung hiwalay na kay Jon ay kumalat ang video niya kasama si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos kung saan makikitang sweet na nagkukulitan ang dalawa.

Dinenay naman ni Yassi ang chikang may “something” sila ng presidential son at sinabing magkaibigan lang silang dalawa.

Samantala, may mga video ring kumakalat ukol sa kanila ni Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte ngunit wala pang pahayag si Yassi ukol rito.

Related Chika:
Yassi Pressman ‘hinalikan’ ni Gov. Luigi Villafuerte, may bago na nga bang dyowa?

May konek nga ba si Sandro Marcos sa paghihiwalay nina Yassi Pressman at Jon Semira?

Read more...