Laiterang celebrity nasira ang friendship kay sikat na youngstar dahil sa kadaldalan, isa pang personalidad damay

 Laiterang celebrity nasira ang friendship kay sikat na youngstar dahil sa kadaldalan, isa pang personalidad damay <

MUKHANG buminggo na ang kilalang personalidad sa isang youngtar dahil narinig niya mismo ang hindi magandang komento tungkol sa taong mahal niya.

Maraming negative comments na naririnig si youngstar tungkol sa kilalang personalidad na sinasabi raw against her bukod dito ay inoobserbahan din pala ng una ang huli kung paano ito makitungo sa mga katrabaho nila.

Una ay dedma lang si youngstar kasi hindi naman siya ang direktang sinisiraan ng kilalang personalidad pero dahil mahal niya ang taong sinabihan ng hindi maganda kaya nag-react na siya.

Kinausap ni youngstar ang kilalang personalidad tungkol sa mga isyu nito sa taong mahal niya at nangatwiran daw ang huli ng hindi maganda kaya right there and then tinapos na nila ang kanilang friendship.

Nagsabi na rin ang youngstar na ayaw niyang makatrabaho ang kilalang personalidad at sinabihan din nito ang taong mahal niya na tigilan na ang pakikitungo rito dahil hindi ito magandang impluwensiya sa kanya.

Baka Bet Mo: Sikat na female celeb matindi ang galit kay kilalang aktres matapos malamang tinikman ang kanyang dyowa

May isa pang taong naiipit sa pagitan ng kilalang personalidad at ng youngstar na parehong malapit sa kanya kaya kinausap niya ang dalawa pero mukhang hindi pa maayos sa ngayon dahil parehong mainit pa ang mga ulo.

Hoping ang taong naiipit kina kilalang personalidad at youngstar na sana’y magkaayos dahil sayang ang magandang samahan na nasimulan nila.

Sa kasalukuyan ay may project ang kilalang personalidad at ang taong naiipit sa kanila ni youngstar na ang pabor na hiniling nito ay ayaw nitong marinig ang pangalan ng taong hindi maganda ang sinasabi sa kanya at sa taong mahal niya.

Ni-research namin si kilalang personalidad at medyo matalas nga raw ang dila nito kapag may mga nakikita at hindi nagugustuhan.

“Madaldal kasi, feeling close sa lahat kaya maraming nairirita. Sana magkaayos sila ni ____ (youngstar) dahil makakaapekto ito sa taong naiipit sa kanilang dalawa,” say pa ng aming source.

Other Chika:
Ogie Diaz may pa-‘blind item’, sino kaya ang 2 artista na nang-ghost sa kanya?

Laiterang basher ‘sunog’ kay Rabiya Mateo: Kesa naman ganyan mukha ko, forever na akong talo!

Read more...