Pagpo-post ng maselang video sa socmed, problema sa separation pay niresolbahan ng ‘CIA with BA’, Boy Abunda may payo sa pakikipagrelasyon

Pagpo-post ng maselang video sa socmed, problema sa separation pay niresolbahan ng CIA with BA , Boy Abunda may payo sa pakikipagrelasyon

INALALA ni Sen. Pia Cayetano ang legasiya ng yumaong amang si Sen. Rene Cayetano matapos harapin ang isang reklamo tungkol sa karapatan ng mga empleyado sa pinakahuling episode ng “CIA with BA.”

Sa segment na “Payong Kapatid”, isang alyas “Cesar” ang dumulog upang humingi ng payo kina Pia, kapatid at kapwa-senador Alan Peter Cayetano at Boy Abunda tungkol sa separation pay mula sa pinagtatrabahuhang maliit na tindahan.

“Actually, our dad was a labor lawyer so nu’ng dini-discuss ‘yon, nagrereview ako ng labor code, ang naaalala ko ‘yung time na estudyante pa lang ako, labor lawyer na siya.

“And ‘yun ang objective niya na hindi mapahirapan ang mga kababayan natin—‘yung mga karapatan nila maipaglaban nila,” pagbabahagi ni Pia nang tanungin ni Tito Boy ng kanyang takeway mula sa mga kwentong narinig.

“But at the same time, gusto din naman natin na ‘yung mga negosyo, kumikita, kasi diyan din naman nagtatrabaho ang mga tao. So ‘yung objective niya is lahat tayo masaya,” sabi niya.

“Ako, alang-alang sa tatay ko, although hindi ako expert ng labor law, pero I’m always happy to revisit and to share that knowledge and that passion our father had,” dagdag pa niya.

“We keep saying, ‘tayong mga Pilipino, pamilya tayo.’ Pero hindi naman natin mabayaran ng tama ‘yung empleyado natin, ‘di ba? So if you want to be a family, let’s actually treat each other like a family member,” saad naman ni Sen. Alan.

Nagbahagi naman siya ng isang kasabihan mula kay Pastor Peter Tan-Chi ng Christ’s Commission Fellowship (CCF) habang inilalahad ang mga saloobin tungkol sa isyu na tinalakay sa “Case 2 Face” segment, kung saan isang nagngangalang Fel Aguilar ang nagreklamo tungkol sa kaibigan na si Shane Garcia na nag-post ng kanyang maselang video sa internet.

Baka Bet Mo: ‘Ina laban sa anak’: Mga isyu sa relasyon ng pamilya tutugunan ng ‘CIA with BA’

Ayon kay Aguilar, kinunan siya ng video habang nasa banyo at sinabi niya kay Garcia na huwag na itong ipo-post sa social media. Gayunpaman, sinasabi ni Garcia na mayroon itong permiso ni Aguilar.

“Sabi kasi niya (Pastor Tan-Chi), ‘You are free to decide your actions but you are not free to choose the consequences of the actions.’

“So diyan sa ating ‘Case 2 Face,’ kung anong gusto niyong gawin ng barkada, nasa sa inyo ‘yon, malaya tayo e, pero ‘yung consequence no’n… ‘wag mo lang isipin ‘yung action mo, isipin mo rin ‘yung consequence,” sabi ni Sen. Alan.

Sa pagtatapos ng programa, pinaalalahanan ni Tito Boy ang mga manonood na alagaan ang mga relasyon.

“Sa lahat ng mga ginawa nating kwento ngayong gabi, tungkol sa mga relasyon –sa ‘Case 2 Face,’ importante na alam natin kung paano tayo maging isang kaibigan.

“Sa ‘Payong Kapatid naman, again, it’s about relationship… ‘ano ba ang patas?’ Sa palagay ko, ang bottomline ng ating buhay is all about relationships,” aniya.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

‘Wag palampasin ang “CIA with BA” tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.

Related Chika:
Boy, Alan, Pia tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong at pagbibigay ng legal advice sa ‘CIA with BA’ season 3

Payo ng ‘CIA with BA’ sa mga tatay na patuloy na nagsasakripisyo para sa pamilya: ‘Laban lang!’

Read more...