Anak ng ginang muntik nang makidnap sa loob ng mall: 'Iba pala ang pakiramdam bilang magulang 'pag sa 'yo nangyare...nanginginig ako sa kaba' | Bandera

Anak ng ginang muntik nang makidnap sa loob ng mall: ‘Iba pala ang pakiramdam bilang magulang ‘pag sa ‘yo nangyare…nanginginig ako sa kaba’

Ervin Santiago |August 15,2023
facebook
share this

Anak ng ginang muntik nang makidnap sa loob ng mall: ‘Iba pala ang pakiramdam bilang magulang ‘pag sa ‘yo nangyare…nanginginig ako sa kaba’

Ervin Santiago - August 15, 2023 - 08:58 AM
Anak ng ginang muntik nang makidnap sa loob ng mall: 'Iba pala ang pakiramdam bilang magulang 'pag sa 'yo nangyare...nanginginig ako sa kaba'

SIGURADONG magsisilbing aral sa lahat ng mga magulang ang nangyari sa anak ng isang ginang habang nasa shopping mall sa Quezon City.

Viral ngayon ang ipinost ng isang nagngangalang “Princess dela Cruz Palma” sa Facebook tungkol sa tangkang pagdukot sa kanyang anak nang mamasyal sila kamakailan.

Sa FB post noong August 3, ibinahagi ng ginang ang tila bangungot na karanasan niya nang isang lalaki ang magtangkang kidnapin ang kanyang anak habang hinihintay ang kanilang order sa food court ng mall.

Kuwento ni Princess, bigla na lang daw hinablot ng lalaki ang kamay ng anak niyang babae.

“While waiting for our food to be served, Rhian is just standing in front of her seat.. Then someone approached her ‘Kim! kim Tara! (trying to grab Rhian’s hand).’”

“Napatayo ako at tinapik kamay n’ya sabay sabi n’ya ‘Anak mo?’ I said ‘OO!’” aniya pa.

“Then he just walked away unbothered like nothing happened like ‘WHAAAATTT SOMEONE [ATTEMPTS] TO TAKE MY CHILD!’

“Sobrang kaba ko di na ako makaupo. Naghihintay ako may dumaan na guard para sabihan, Si Lan nasa kabilang Store bumibili ng food,” pagbabahagi pa ni Princess.

Baka Bet Mo: Jo Berry pag-aagawan nina Rodjun at Juancho sa ‘Little Princess’, pero kanino siya posibleng ma-attract?

Agad daw nilang inireport ng kanyang asawa sa mga security guard ng mall ang nangyari, “So when he (mister)  came sinabi ko agad sa kaniya what happened tapos sinundan nya at nireport sa Guard…

“After 5 mins lumapit guard samin at lumabas na daw ang lalaki,” aniya pa.

Patuloy pa ni Princess, “Iba pala ang pakiramdam bilang magulang pag sayo na nangyare.

“Nanginginig ako sa Kaba..Pagkatapos nun niremind ko ulit sila sa mga Stranger rules namin. Kaya pala iba daw pakiramdam ni Lan habang bumibili sa sa kabilang store, may urge na gusto nya kami silipin…

“Thank you kuya Guard na nag assist samin,” pagpapasalamat pa ni Princess.

Ibinahagi raw ni Princess ang kanilang karanasan sa naturang mall para magsilbing warning sa lahat ng mga parents na namamasyal sa mall at iba pang pampublikong lugar.

Ina ni Bree Jonson umapela sa ama ni Julian Ongpin: huwag gamitin ang kapangyarihan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aljur, AJ huli sa akto, magkahawak-kamay habang nasa mall; Kylie walang pake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending