Yassi Pressman hiwalay na raw sa dyowang negosyante, cryptic post usap-usapan sa socmed: ‘Not triple, not double, but SINGLE’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Jon Semira at Yassi Pressman
ANG TANONGGGG!!! Totoo nga bang hiwalay na ang actress-TV host at dancer na si Yassi Pressman sa kanyang boyfriend na si Jon Semira?
Sunud-sunod kasi ang mga cryptic post ng dalaga sa social media na pinaniniwalaang may kaugnayan sa pinagdaraanan niya ngayon sa kanyang personal life.
Sa isang Instagram post ni Yassi, ipinakita niya sa madlang pipol ang bago niyang tattoo sa kanang tagiliran ng kanyang katawan na isang hummingbird.
Aniya sa caption, “It’s nice to be free like this hummingbird on me.” Pinusuan ito ng kanyang IG followers ngunit wala kaming nabasang comment tungkol sa umano’y paghihiwalay nila ni Jon.
Nitong nagdaang Sabado, August 12, nag-post uli si Yassi sa IG ng isang quote na hinihinalang may konek sa pagiging single niya uli. Aniya, “Not triple.not double.but SINGLE.”
Meron din siyang ipinost na quote card na may nakasulat na, “Be so proud of yourself for how you’re handling this year. You’ve fought so many silent battles, you had to humble yourself, wipe your own tears, pat yourself on the back. Be proud of yourself.”
Napansin din ng mga netizens na hindi na pina-follow ni Jon ang IG account ni Yassi kaya marami ang naniniwalang baka nga break na ang dalawa.
Matatandaang inamin ni Yassi noong July 21, 2022 ang tungkol sa relasyon nila ni Jon na isang negosyanteng naka-base sa Toronto, Canada. Kasabay ito ng kanyang pagbati kay Jon ng “happy birthday.”
“HBD. So happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me.
“I promise to keep giving u surprise cheek kisses at random times of the day even when u think I’m kulit,” ang mensahe ng aktres kay Jon.
Noong nagdaang May naman, sa isang TV interview, naibahagi ng dalaga ang ilang detalye tungkol sa relasyon nila ng businessman.
“I think it’s pretty secure. Something I guess I was needing after a lot of the things that have happened in my life. And finally, parang it feels like home na no pressure, no stress, very, very light,” sey ni Yassi.
At mapapansin nga nitong nagdaang July ay hindi na binati ng dalaga si Jon sa birthday nito.
Abangers naman ang mga Marites sa magiging official statement ni Yassi about the rumored breakup.