KUWENTO ng isang very loyal na dalagang inaruga ang lalaking teenager na anak ng mayamang Chinese family ang seryeng “Dahil Sa ‘Yo.”
Ito ang newest C-drama o Chinovela na mapapanood simula ngayong Lunes, August 14, 8 to 9 p.m. sa AllTV.
Susubukin ng pera at pagtataksil ang mga usapin sa pagtitiwala at pagmamahal sa kuwento ng “Dahil Sa ‘Yo”, kasama na ang “dying wish” ng isang ina na mapabuti ang future ng anak sa kalinga ng nag-aaruga dito.
“Very Pinoy. Marami ang makaka-relate dahil may mga nakikita na din tayong kagayang istorya sa buhay natin,” yan ang pahayag ng Regent Foods, Inc. na siyang nagdala sa bansa ng C-drama na “Dahil Sa ‘Yo.”
Mahuhusay na mga dubbers, voice talents at mga script writers ang kinumisyon ng kumpanya para mas lalong tumingkad ang kuwento ng pagmamahal ng mga karakter sa serye.
At sa pakikipagtulungan sa AMBS TV network na AllTV, layunin nga nitong makapagbigay ng bagong putahe sa mga manonood tuwing gabi, simula bukas.
Baka Bet Mo: Kathryn nagpadala rin ng ‘pampaswerte’ kay Rabiya: Kahit anong mangyari, proud kami sa ‘yo!
Pormal nang nagpirmahan ng kontrata ang mga may-ari ng Regent Foods at mga tagapamuno ng AMBS Network tungkol sa pagpapalabas ng “Dahil Sa ‘Yo” sa AllTV.
Mapapanood ito sa AllTV channel 2 sa free TV, channel 35 sa Skycable at Cignal, at channel 31.4 DDT kung ang gamit ang ABS-CBN TV plus, Affordabox, at Sulitbox.
* * *
Nagsanib-pwersa ang SB19 members na sina Josh Cullen at Pablo para bigyan ng bagong flavor ang “The Iron Heart” theme song na “Sino Ka Ba?”
Ito ang unang kanta ng dalawang P-pop artists bilang sub-unit ng sikat na grupong SB19 sa ilalim ng Star Music.
Unang inawit ni “Idol Philippines” season 2 winner Khimo Gumatay ang “Sino Ka Ba?” Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo naman ang over-all producer na siya ring sumulat ng kanta kasama sina Star Pop label head Rox Santos at Kapamilya artist Jeremy G.
Dala nito ang mensahe ng determinasyon sa gitna ng pagsubok at patuloy na pakikipaglaban para sa kabutihan.
Balitang ‘buntis’ ang anak ni Sunshine Cruz fake news: Piliin n’yo pinaglalaruan n’yo, minor pa!