Teacher kay Vice: Ilang kabataan ang natutong mam-bully dahil sa 'yo? Nakakakilabot! | Bandera

Teacher kay Vice: Ilang kabataan ang natutong mam-bully dahil sa ‘yo? Nakakakilabot!

Alex Brosas - March 06, 2020 - 12:20 AM

VICE GANDA

An unnamed teacher lambasted Vice Ganda on social media with an aria na akala mo perfect ang mga guro.

“Vice, natatakot ako. Natatakot ako bilang isang guro at bilang isang Pilipino. Natatakot ako sa kahihinatnan ng pagpapatuloy ng iyong impluwensya sa industriya lalo na ang istilo ng iyong pagpapatawa.”

“Bilangin mo kung ilang kabataan ngayon ang naimpluwensyahan mong mambara, mambully at mang-asar ng kapwa.”

“Nakakakilabot. Ngayon ko lang napagtanto. SA PANANDALIANG ALIW NA IYONG NAIBIBIGAY AY KAPALIT PALA ANG PANGMATAGALANG PAGBABAGO NG KULTURA AT ASAL NG KABATAANG PILIPINO.

“Hindi pala siya masaya. Hindi pala siya makatao. Dalangin ko’y ito’y mabago. Hangad namin na maibalik ang malinis at may respetong pagpapasaya ng tao. Isa akong guro at hindi ko na masikmura pa, kung ito’y magpapatuloy.”

‘Yan ang aria ng hindi nagpakilalang guro. Bakit takot siyang magpakilala? Kung matapang siya, dapat may face at may real name niya ang kanyang post, right?

We had this experience sa CAT teacher namin in high school. Nag-cutting class kami para sa dance practice kaso may nagsumbong. Lima kaming beki na pinapila, una kaming sinuntok sa tiyan at sa dibdib. Hindi kami makalaban kasi graduating kami: 27 years after nakita ko ang nanakit na CAT teacher namin sa isang reunion. Ayun, pinagmumura ko. Sasapakin ko pa sana kaya lang naawat kami.

Now, tell me, marangal ba ang isang gurong nananakit ng estudyante?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending