Gina Alajar muntik nang layasan ang showbiz: ‘I wanted to pack my bags and leave with my kids, and just go to the US’

Gina Alajar muntik nang layasan ang showbiz: 'I wanted to pack my bags and leave with my kids, and just go to the US'

Adolf Alix, Jr., EA Guzman, Gina Alajar, Ricky Davao at Joel Saracho

KNOWS n’yo ba na muntik na rin palang layasan ng award-winning actress at direktor na si Gina Alajar ang mundo ng showbiz?

Dahil sa mga naging kontrobersya at issue sa kanya noon ay masasabing naging “karnabal” din ang buhay ni Gina na naging dahilan kung bakit naisipan niyang iwan na ang pag-aartista.

Sa naganap na story conference at presscon para sa bago niyang pelikula, ang “Karnabal” na pagbibidahan ni Edgar Allan Guzman, mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., ay naibahagi nga ito ni Gina.


“Hindi ko na lang idedetalye para hindi na mahukay pa yung past. There was a moment in my life where I wanted to pack my bags and leave with my kids, and just go to America and stay there to escape the troubles here.

“Kasi parang dumating sa punto na naramdaman ko na lumiliit yung mundo ko, yung ganu’n,” simulang paglalahad ni Gina.

“So, para matakasan lahat yun, I really wanted to pack my bags and leave for the United States. And in fact, dumating na ako du’n sa punto na nagpapaalam na ako du’n sa boss ko at that time,” aniya pa.

Kung hindi kami nagkakamali, ang tinutukoy ni Gina ay ang paghihiwalay nila ng dating asawang si Michael de Mesa, at ang mga isyung kakambal nito na naging malaking balita sa showbiz noon.

Baka Bet Mo: Ate Guy natakot nang talakan ni Gina Alajar ang kaeksenang youngstar: ‘Late ka na nga, hindi mo pa makuha ang eksena mo!’

Sundot na tanong sa kanya, paano niya ito nakayanan, “Unang-una, siyempre ang una mo namang pupuntahan noon, ang Panginoon, e.

“Yun lang naman. Ang tao naman, pag merong problema, ang unang babalingan ay ang Panginoon. Para sa lakas, para sa strength, para kumuha ng strength.

“Ang unang-una kong ginawa, to turn to God and ask for strength, and ask to get me out of that karnabal na kinasasadlakan ko, para maalis Niya ako and to remove the pain, to remove the hurt sa buhay ko.

“And He did. Until now, Siya pa rin. Siya pa rin ang guide ko, Siya pa rin ang puntahan ko kapag merong hiling sa lahat ng panahon ng buhay ko.

“Hindi lang kapag may problema ako. Kahit masaya ako, I’ve learned to trust in God, to thank Him more sa mga blessings, sa grace na ibinibigay Niya sa akin,” litanya pa ni Gina.

Samantala, sa kuwento ng “Karnabal” gaganap si Gina bilang isang news reporter na siyang naatasang mag-cover sa isang problemadong lalaking (gagamapanan ni E.A. Guzman) umakyat sa billboard para tapusin na ang kanyang buhay.

Bukod kina Gina at EA, makakasama rin sa movie sina Jaclyn Jose, Ricky Davao, Joel Saracho at Shaira Diaz, mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. under BC Entertainment.


Ayon kay Direk Adolf, kukunan ang buong pelikula sa loob lamang ng isa’t kalahating oras at sa pamamagitan lamang ng paggamit ng isang camera. Ibig sabihin tuhog lahat ng eksena, one take lang dapat lahat at walang cut.

Sey ni Gina, nang matanong kung handa na ba sila sa matinding challenge ng paggawa ng isang pelikula na isang take lang dapat ang lahat ng kanilang mga gagawing eksena.

“Hindi pa kami ready. Hindi pa kami ready. Ha-hahaha! Actually, pagdating dito (presscon), sabi ko nga kay Direk Adolf, ‘Pagdating dito ng media, ano ang sasabihin namin? Ano ang gagawin namin dito?’

“Because kanina lang kami sinabihan kung ano ang gagawinand ako, ang masasabi ko lang, it’s very challenging. Pero pag nagawa nang tama, kapag nagawa nang maganda, if we’re successful in doing this…wow! Wow!” aniya pa.

Super thankful din si Gina kay Direk Adolf dahil sa chance na ibinigay sa kanya na makagawa ng kakaibang pelikula, “Kasi it’s a challenge for me also. Sabi ko nga, ‘Mame-memorize ko ba yung dialogue?’ Tapos may timing pa.

“Kasi mahirap, e. What kung sa akin magkamali? Naku! Uulitin lahat from the top?! Dahil sa pagkakamali ko?! Nakakahiya yun, di ba?

“So I think it’s a combination of you know, mind, body and soul. Ano yung sinasabi ni Lino (Brocka) dati?

“Ang aktor, kailangang prepared — physically, mentally and emotionally. So, yun, we need to prepare for that. Imagine we’ll be under the sun for the whole time.

“Walang puwedeng magpayong. Walang puwedeng sumilong..We’re just going to wait for our turn, for our cue,” aniya.

At sa tanong kung sino kaya sa mga kilalang news reporter ngayon ang magiging peg ni Gina sa “Karnabal”, “Hindi ko naman gustong maging caricature na kapag nakita nila ako, ‘Ay! Si ano yan!’ ‘Ay! Si ano ang ginagaya niya!’ ‘Ay! Si ganu’n!’

“I don’t want it to be that way. Kasi, di ba, ako naman yung aarte. Di ba? I just want it to be my original interpretation,” paliwanag pa niya.

Gina Alajar gustong makatrabaho sina Piolo at Alden sa ‘huling project’; lucky charm si Amy Austria

Matagal nang pangarap ni Alfred Vargas tinupad nina Ate Guy, Gina at Jaclyn: ‘Thank you, Lord!’

Read more...