James Arthur may bagong hugot song: ‘It’s about falling in love with the right person at the wrong time’
ISA nanamang kanta na tagos sa puso ang inilabas ng sikat na English singer-songwriter na si James Arthur.
Ito ang bagong single na pinamagatang “Blindside” na isang follow-up sa kanyang emotional song na “A Year Ago.”
Kakaiba ang hugot song ngayon ni James dahil imbes na maiyak ka ay tila mapapasayaw ka pa dahil sa mala-catchy tone nito.
Kwento ni James, ang kanyang single ay tungkol sa isang tao na na-inlove sa maling pagkakataon.
“‘Blindside’ is a song I’ve wanted to write for years, about falling in love with the right person at the wrong time,” sey ng singer sa inilabas na pahayag ng Sony Music.
Baka Bet Mo: Taylor Swift may sorpresa sa Oktubre, ilalabas ang ‘1989 (Taylor’s Version)’
Dadag pa niya, “It’s an energetic song with a sad lyric and it really suited this new rawer style I was after.”
Ang kanta ay may kalakip ding music video na mula sa direksyon ng award-winning director and photographer na si Tim Mattia.
Ayon kay Tim, sinigurado niyang mararamdaman ang epic performances ni James sa naturang video.
“We tied in a series of dramatic and emotional narrative scenes, showing the sudden loss of love in relationships, and a scene in which James gets literally more and more bloodied and bruised as the song progresses – the physical embodiment of his emotional pain,” paliwanag ng direktor.
Maraming fans naman ang relate na relate sa bagong kanta ni James at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Impressive how his songs touch the bottom of my soul, without a doubt one of the best singers of all time [red heart emoji].”
“James, you are incredible at conveying emotions. A true artist [green heart emojis].”
“James knows how to strike the exact emotions at the exact times, with the perfect songs. Incredible.”
Related Chika:
Joel Lamangan tumaya kay Sean de Guzman: Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kakayahan niya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.