Working student nalimas ang inipong P14,000 matapos kainin ng anay ang kanyang alkansya | Bandera

Working student nalimas ang inipong P14,000 matapos kainin ng anay ang kanyang alkansya

Therese Arceo - August 12, 2023 - 04:09 PM

Working student nalimas ang inipong P14,000 matapos kainin ng anay ang kanyang alkansya

SINUBUKAN ng working student na si Randy Boganutan na isalba ang mga natitira niyang ipon mula sa kanyang alkansya na kinain ng mga anay.

Sa panayam ng video team ng INQUIRER.net kay Randy, isang Information Technology student, nagtatabi ito ng pera para sa kanyang tuition fee mula sa mga kinikita bilang isang freelance worker at umabot na rin ito ng halos P20,000.

Ang mga perang inilalaan ng working student ay para sa kanyang pambayad ng tuition at inilalagay niya ito sa alkansyang binili niya sa isang street vendor.

Isang araw ay sinabihan siya ng isa sa kanyang mga kasamahan sa bahay na naglilinis noon na may nakita raw itong uod na lumalabas mula sa kanyang alkansya.

“Nalaman siya kasi ‘yong kasama ko do’n na tao, nagwawalis siya tapos ‘yong pagwalis niya nasagi niya daw ‘yong alkasnya.  Tapos ngayon pagka-sagi niya bigla daw may pumatak na uod.  Kaya sabi niya sa akin ‘sir parang may uod dito na pumapatak galing do’n sa alkansya’,” pagbabahagi ni Randy.

Pagpapatuloy niya, “Kaya do’n po nag-worry ako kasi wala naman pong uod do’n, kasi usually ‘di ba po, ang uod makikita naman natin siya sa fresh meat or mga karne gano’n ‘di ba.  Kaya sabi ko ‘hindi ‘yon uod, kun’di anay ‘yan kasi nasa karton, nasa alkansya’.  Kaya do’n po, na-ano, pinuntahan ko po agad.”

Baka Bet Mo: Randy Santiago hindi pa pwedeng magtrabaho sa ALLTV 2 kahit inalok na ni Willie Revillame

Ngunit sa kasamaang palad ay mula sa halos P20,000 na kanyang naipon, P6,000 na lang ang kanyang naisalba mula sa mga anay.

“Initial reaction ko po no’ng nangyari is na-shock lang po ako, natulala lang po ako, ‘di po ako makapaniwala at saka ‘yong parang speechless lang ako, naka-ganyan lang, ‘yong wala akong masabi.  Then do’n na po, no’ng nahawakan ko na po siya, do’n nag-sink in sa akin na parang, umiiyak ako, naluluha ako na di ko naiintindihan nararamdaman ko,” nanghihinayang na sabi ni Randy.

“Nasa P6,000 po siya, ‘yong bills na ‘yon, kasi may P1,000 pa naman akong nakuha doon at saka may P500, may P200, tapos the rest ‘yong tig-P100.  Pero ‘yong inanay, wala na talaga siya,” dagdag pa niya.

Ayon kay Randy, mukhang mahihirapan siyang papalitan ang mga sirang pera dahil ayon sa mga kaibigan niya ay dapat kita ang serial number para mapalitan.

Sinabihan lang nila ako na dapat may serial number pa, makikita pa ‘yong mga signature o ‘di kaya ‘yong mga three-fourths ang nasira, eh hindi po gano’n ‘yong nangyari sa akin kasi durog-durog na,” kuwento niya.

Ipinakita rin niya ang mga perang naisalba sa kaibigang nagtatrabaho sa bangko at sinabing wala na raw itong pag-asang mapalitan.

Chika pa ni Randy, hindi raw niya piniling mag-ipon sa bangko dahil sa required maintaining balance.

“Wala po kasi akong bank account, kasi ‘di ba po ang bank account may maintaining balance po?  Tapos ako wala naman po ako that time, kasi pag mag-bank po, palagi po, araw-araw magdedeposit or ‘di kaya every other day, saka medyo hassle din sa bangko dahil laging mahaba ang pila,” lahad niya.

Sa ngayon ay itinigil muna niya pansamantala ang pag-iipon ng pera sa alkansya dahil sa takot sa nangyari.

“As of now wala pa pong pang-alkansya, kasi nag-start na po mag-ipon para sa tuition, then padala rin po sa family if may kaunti, then sa small shop po, ini-invest ko na lang din po do’n ulit.  Di na lang po muna ako nag-stick na mag-ipon ipon muna ulit kasi traumatized pa rin po ako hanggang ngayon,” sey ni Randy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinaalala RIN niya na iwasan ang paggamit ng mga alkansya na gawa sa papel base na rin sa kanyang naging experience.

Other Chika:
Randy Santiago pangarap makasama uli sa pelikula si Maricel; miss na miss na ang yumaong anak

Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa ‘parinigan’ nina Bayani at Vice Ganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending