Mini Miss U contestant Annika Co ganap nang Viva artist
TULUYAN na ngang pinasok ng “Mini Miss U” contestant na si Annika Co ang mundo ng showbiz matapos itong pumirma ng kontrata sa ilalim ng Viva Artists Agency.
Ang magandang balita ay ibinahagi ng Viva sa kanilang official Facebook page nitong Martes, August 8.
“We are happy to announce that Annika Co is now officially part of our growing roster of artists!” nakasaad sa caption nito.
Dagdag pa nila, “Looking forward to exciting projects with you.”
Nagpasalamat naman si Annika sa bagong opportunity na ipinagkaloob sa kanya sa pamamagitan ng isang Facrbook post.
“Thank you so much, God, for this blessing! Thank you for letting me meet friends who will support me in my journey,” umpisa ng “Mini Miss U” contestant.
Pagpapatuloy ni Annika, “Thank you, Viva Artists Agency and Tito Alvin. Thank you to all of you, my friends! I LOVE YOU ALL PO!!!”
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Anne Curtis naiyak dahil sa Mini Miss U contestant na si Annika Co: It was so innocent and pure
Paniguradong marami ang susuporta at magmamahal sa kanya dahil bago pa man niya pasukin ang kontrata sa Viva ay napukaw na niya ang puso ng madlang pipol sa kanyang ipinakitang kagandahang loob nang sumali ito sa Mini Miss U.
Maging si Anne Curtis ay naging emosyonal dahil napakainosente at napaka-genuine ni Annika habang ginagawa ang eksena nila ni Vice Ganda sa naturang segment.
Ang eksena nga ay mag-best friends sina Vice at Annika at dapat ay magkakaroon ng duet performance sa stage ngunit sa last minute ay gustong mag-back out ni Vice dahil sa anxiety. Si Anne naman ay nasa gilid nila habang uma-acting.
Bukod kay Anne ay talagang napahanga ng batang contestant ang buong madlang pipol sa paraan nito kung paano aluhin ang karakter ni Vice at pag-encourage nito sa kaibigan para malabanan ang takot na mag-perform.
Sa kabila ng mga pasimpleng pagpapatawa ni Vice sa kalagitnaan ng kanilang skit ay makikitang seryoso si Annika.
“Who cares if the others don’t like you? I like you and everybody else does. What matters is somebody still likes you,” sey ni Annika na siyang nagpaantig sa puso ni Anne at ng madlang people.
“If some people don’t like you, then it’s fine. What’s important is someone still likes you… You shouldn’t be worrying about if you’ll be the best in the world. You have to be the best version of yourself,” dagdag pa niya nang sabihin ni Vice na nangangamba siya na baka hindi siya magustuhan ng mga tao kapag nag-perform ito.
Related Chika:
Pia Wurtzbach ‘binalaan’ ng TikTok followers ni Joshua Garcia: ‘Walang Miss U-Miss U dito!’
Netizens sa ‘face reveal’ ng 2nd baby nina Solenn at Nico: ‘OMG! May mini El Padre na!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.