Joey de Leon muling nagpatutsada sa TAPE at Eat Bulaga ng GMA, pero inokray ng bashers: ‘Ang corny naman po…itigil n’yo na kakahirit n’yo!
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Allan K, Joey de Leon at Paolo Ballesteros
HINDI man diretsahang tinukoy, naniniwala ang netizens na ang TAPE Incorporated ang pinatatamaan ni Joey de Leon sa ipinost niyang mensahe sa kanyang X account (dating Twitter).
Nagpatutsada ang veteran TV host-comedian nang lumabas ang balitang pagmamay-ari pa rin ng TAPE o Television and Production Exponents ang titulo at trademark na “Eat Bulaga”.
Ni-renew daw ito sa loob ng 10 taon ng tanggapan ng Intellectual Property Office of The Philippines (IPOPHIL).
Post naman ng “E.A.T.” host sa kanyang X account, “RENEWAL versus NUMERAL?”
“Ten more years of EB (Everyday Bashing) Happy? Basta ako I’m still with EB, ah ah, not that EB but with Ellen and Barbie!” sey pa ni Joey na ang tinutukoy ay sina Allan K (gumaganap na Ellen sa isang segment ng E.A.T.) at Paolo Ballesteros (nag-Barbie doll transformation).
Pagbabahagi ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, na-receive nila ang Certificate of Renewal of Registration para sa “Eat Bulaga” trademark noong Agosto 4 at tatagal ang bisa nito ay hanggang 2033.
“Yes, we received the certificate of renewal yesterday. Since it has a term of 10 years so TAPE Inc. owns the trademark of ‘Eat Bulaga’ until 2033.
“Marami kasi ang nagsasabi na since nag expire ang registration ng TAPE sa ‘Eat Bulaga’ trademark, free for all na ito.
“This is not true. TAPE Inc. renewed its registration and we are happy na na-issue na ang certificate of renewal which makes TAPE Inc. the continuous owner of trademark ‘Eat Bulaga’ until 2033.
“Importante ito kasi kung baga sa lupa ang certificate of registration and in this case certificate of renewal of TAPE Inc ay ang titulo nya to prove its ownership over the trademark ‘Eat Bulaga.’
“From the start IPO recognized TAPE Inc. as the prior registrant of ‘Eat Bulaga’ trademark. This renewal is a testament that TAPE was and remains the registered owner of the trademark ‘Eat Bulaga,” ang mahabang pahayag ng abogado.
Nauna rito, naghain din ng kaso ang iconic trio na sina Joey, Tito Sotto at Vic Sotto laban sa TAPE at sa GMA Network para kanselahin ang trademark registration ng TAPE sa “Eat Bulaga” title pati na ang logo nito.
Sa gitna ng kontrobersyang ito, naniniwala ang TVJ na muli nilang magagamit ang titulong “Eat Bulaga” pagdating ng tamang panahon dahil sila naman daw talaga ang may-ari nito kasama ang lahat ng legit Dabarkads.
May mga nabasa kaming comments na sang-ayon kay Joey pero meron ding nang-okray sa kanya. Narito ang ilan.
“I-sure mong malakas kapa after 10 years ha? Matanda kana your clock is ticking.”
“Good job! Corny as always!”
“Ang corny naman po. Tigil nyo na kakahirit nyo. Parang pilit na pilit na kasi? Ang lata kapag walang laman, mas maingay.”
“14344!!! Kahit saan at kahit ano! Forever TVJ! Legit Dabarkads!”
“Anong relevance ng numeral..corny mo na tandang joey.”
“Move on na boss Joey, accept the fact na you’re time is over.”
“Sir Joey you are a wordsmith because you have marvelous way with words, legit na henyo.”
“Sa mga bashers ni Joey, yung tinatawag nyong matanda eh milyon-milyon ang pera sa bangko at pwede ng mag-retire and live a comfortable life. Paki check naman ang laman ng pera nyo sa bangko at paki ckeck din kung magkano ang maiipon ninyo pag idad nyo ng 76. Real Talk.”