Joey de Leon bumanat, may pinariringgan nga ba: Hindi ito ang tolongges noontime show! | Bandera

Joey de Leon bumanat, may pinariringgan nga ba: Hindi ito ang tolongges noontime show!

Therese Arceo |July 23,2023
facebook
share this

Joey de Leon bumanat, may pinariringgan nga ba: Hindi ito ang tolongges noontime show!

Therese Arceo - July 23, 2023 - 02:30 AM

Joey de Leon bumanat, may pinariringgan nga ba: Hindi ito ang tolongges noontime show!
MULI na namang bumanat ang actor-comedian na si Joey de Leon ukol sa kanilang noontime program show na “E.A.T.” na mapapanood sa Kapatid network.

Sa kanyang Instagram post ay inibahagi ng isa sa trio na TVJ ang mga makabagong segment ng kanilang noontime program noong Sabado, July 22.

Here’s Miss Tapsilog’s Bridal Shower Special Menu for today on TVJ’s TV 5 ‘E. A. T.’—-wala pa dyan yung MABUHAY ANG BAGONG INASAL! Featuring ‘Sino Ang Manok Nyo? (Sino Ang HEN Nyo?)’, ‘Wag Kang Ganun Huy!’, ‘Sugod Bahay Mga Kapatid!’ and a lot more,” saad ni Joey.

Dagdag pa niya, “Iba naman at hindi ito ang TOLONGGES Noontime Show!”

Baka Bet Mo: Joey de Leon pinatutsadahan nga ba si Vice Ganda sa hugot nito tungkol sa ‘1,000 floors’ at ‘lagpas helicopter’?

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang post ng “E.A.T.” host.

“MADALAS NYO sabihin Sir Joey ‘SALAMAT SA PAGSAMA N’YO SA AMIN NGAYONG TANGHALIAN”… Pero dapat kami ang nagsasabi ‘SALAMAT TVJ at Legit Dabarkads sa pagsama n’yo sa amin ng 44 years sa tanghalian!!! We love you [hear emojis] hindi nyo kami iniwan’,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “sir sana tama na yung parinig, [Hindi pa ba] sapat na suportado ka[yo] ng nkrrming pinoy. [Baka] sa lagi nyong pag paparinig tabangan na mga tao na manuod sa inyo at dun na manuod sa klaban nyo. Basta masaya [na lang tayo] sa [bago] nyo tahanan. Huwag nyo ng pansinin mga katapat nuong show.”

“katawa naman talaga tolonggest [laughing emojis] kainis ka boss joey taba ng utak ,” sey naman ng isa.

Hindi naman nilinaw ng TV host kung may pinariringgan nga ba siya lalo na’t mainit na pinag-uusapan ang 44th anniversary ng “Eat Bulaga”.

Related Chika:
Joey may banat sa selebrasyon ng 44th anniversary ng ‘Eat Bulaga’ sa GMA: ‘Kami ang legit yung mga peke baligtarin n’yo yung legit…tigel na kayo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paolo Contis sa bakbakan ng Eat Bulaga at E.A.T. ng TVJ: ‘Mahirap tapatan yung 44 years, wala namang point na maglaban-laban’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending