Paolo Ballesteros may warning sa fans ng ‘Drag Race PH’: Tandaan, may cyber bullying na punishable by law
HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang nagdaang episode na “Drag Race Philippines” na hosted ni Paolo Ballesteros.
Ito ay matapos maka-relate ang mga netizens sa dinanas ng isang contestant na si Eva Le Queen na nakatanggap ng harsh comments mula sa isa sa mga judges na si Rajo Laurel dahil sa ginawa niyang outfit.
Bagamat nag-reach out at humingi na ng tawad ang world-renowned Filipino designer sa contestant ay marami pa rin ang hindi tumitigil at maging ang iba pang mga judges ay kino-call out ng mga ito.
Agad namang nagsalita si Paolo hinggil sa mga pangyayari lalo na’t kinukondena sila ng mga netizens dahil tila hindi man lang daw nila ipinagtanggol ang contestant laban sa Filipino designer.
“O mga iha imbes na magharbor ng negativity dito sa Twitter, maging mabuting anak sa mga magulang n’yo. Yung tapang ng words n’yo dito hindi ikaka-proud ng magulang n’yo ok? Tandaan also na merong cyber bullying na punishable by law,” saad ni Paolo sa kanyang tweet noong September 24.
O mga iha imbes na magharbor ng negativity dito sa twitter, maging mabuting anak sa mga magulang nyo. Ung tapang ng words nyo dito hindi ikakaproud ng magulang nyo ok? Tandaan also na merong cyber bullying na punishable by law 😉 pic.twitter.com/oKvpNaIUe9
— Paolo Ballesteros (@pochoy_29) September 23, 2022
Kalakip ng kanyang mga tweet ang screenshot ng komento ng isang netizen patungkol sa mga naganap sa nagdaang episode ng show.
Pagpapatuloy ni Paolo, “Oks to voice out your opinions but when you harbor negativity and attack someone, iba na ‘yon ha and dont think na just because you blocked someone eh hindi na mababasa ‘yang mga pagharass at pag-attack n’yo okie? Matuto ding lumugar.”
Aniya, hindi raw porke nagbabayad ang mga ito ng subscription para mapanood ang “Drag Race Philippines” ay may karapatan na ang mga ito na atakihin ang mga tao sa lkod ng reality show.
“Yung 200 pesos na subscription doesn’t give you the right to attack anyone on the show okie and dont give that ‘hindi ka naman nakatag’ chururut. 2022 na. Mangilan-ngilan na lang ang shunga sa mundo,” sey ni Paolo.
Aminado ang TV host na masaya siya dahil marami ang nagpapakita at nagtatanggol na mga netizens para sa kanilang napupusuang drag queens ngunit pinaalalahanan niya ang mga ito maaaring hindi ikatuwa ng kanilang mga hinahangaan ang mga asal ng mga supporters.
“I mean I am happy na love na love n’yo ang mga queens natin because they deserve that. All of them are amazing! Pero also think again, kung yung mga pino-post at pang-aaway n’yo ba eh something na ikakatuwa ng mga idol n’yo? kaya enjoy enjoy lang,” hirit pa ni Paolo.
Related Chika:
#MABU-HEYYY: Paolo Ballesteros napiling host ng ‘Drag Race PH, mga beki nagpiyesta
Pokwang, Paolo sanib-pwersa sa pagbibigay ng ayuda; ‘Pantry Sisters’ tagumpay
Paolo Ballesteros proud na ibinandera ang 1st honor na anak
‘Natatawa ako sa sarili ko kasi kapag may nagre-Regine nako-confuse na ‘ko!’ – Songbird
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.