Jason Statham kumasa sa pasabog na action stunts, buwis-buhay sa ‘Meg 2: The Trench’
TALAGANG buwis-buhay ang Hollywood actor na si Jason Statham sa kanyang bagong pelikula na palabas na ngayon sa mga sinehan.
Ito ang “Meg 2: The Trench” na bagong kabanata ng 2018 hit action film na “The Meg.”
Ayon pa nga sa direktor ng pelikula na si Ben Wheatley, walang takot na nagboluntaryo mismo si Jason upang gawin ang mga nakakatakot nitong stunts.
Sa inilabas na pahayag ng Warner Bros., ipinaliwanag ng direktor ang mga pinagdaanan ng Hollywood actor upang makuha talaga ang kanyang emosyon pagdating sa action stunts.
“Because the physics of a face are hard to fake. You have to be upside down to really look like you are upside down – we had Jason on this kind of giant hand drill setup, and we’d pull the trigger and spin him around, firing water at his face,” sey ni Wheatley.
Baka Bet Mo: Tom Cruise ‘buwis-buhay’ sa bagong ‘Mission Impossible’ movie, ginawa ang pinaka delikadong stunt
Dagdag pa niya, “He wanted as few gimbal shots as possible, almost all of it is him – obviously not jumping a giant wave, but him riding a jet ski very, very quickly. And scarily, we were all at the monitors, saying, ‘Please come back all right!’”
Samantala, makikita sa inilabas na trailer ng pelikula ang maaksyong mga eksena habang kinakalaban ng mga bida ang isang napakalaking pating na kung tawagin ay “Meg.”
Mapapanood na isang team ng researchers ang nagtungo sa pinakamalalim na parte ng karagatan, ngunit nagkaroon ng aberya ang kanilang misyon dahil bigla silang inatake ng nasabing pating.
Dahil sa nangyari, ang tanging isinaalang-alang na nila ay ang kanilang kaligtasan na hindi makain ng delikadong predator.
Bukod Jason, ilan pa sa mga tampok sa action film ay sina Wu Jing, Sophia Cai, Page Kennedy, Sergio Peris-Mencheta, Skyler Samuels at Cliff Curtis.
Related Chika:
Jason Statham, Wu Jing kakasa sa bagong action film ng ‘The Meg’
Tom Cruise mas pasabog ang action scenes sa bagong ‘Mission: Impossible’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.