Magdyowang artista at singer diva-divahan; minarkahan na mga taga-production kaya nabawasan ng raket sa showbiz

Magdyowang artista at singer diva-divahan; minarkahan na mga taga-production kaya nabawasan ng raket sa showbiz

Guess, guess who! Mahulaan n’yo kaya kung sino sila?

PAREHO palang may “diva attitude” ang magdyowang singer na umaarte rin sa harap ng kamera.

Akala namin noon ay si singer-actor lang ang may attitude kasi nga suplado ang dating nito sa lahat lalo’t hindi kasi siya pangmasa kung ikukumpara sa mga kasabayan niyang mang-aawit na sinubukan ding pasukin ang pag-arte both sa TV and movies.

Si singer-actress naman ay masang-masa to the max kaya’t marami ang naaaliw sa kanya pero nang makatrabaho siya ng isa pang aktres na produkto ng reality show ay nabuking ang ugali nito.

Tsika ng aktres na nakasama ni singer-actress, “May ugali rin pala lola mo, akala ko naman okay siya kasi nga chummy niya lahat, ‘yun pala diva rin, gusto solo niya ang dressing room, ayaw ng may kasama. Nadaig pa niya pinakabida ng show namin. Ha-hahaha!”

Ano naman ang chika sa singer-actor na nagdidiba-divahan din? “Kuwento rin naman ng dyowa (singer-actress) niya na may tinanggap na show, ang daming demands, ibinigay naman nu’ng producer pero ‘yung direktor siyempre may iba ring bet for the role. Since dalawa naman ang leading man kaya parehong kinuha si dyowa ni ____ (singer/actress).

“So, okay na, magte-taping na, e, di ba, habang nagsu-shoot may mga pagbabago minsan sa script, nagalaw ‘yung kay ____ (singer-actor), naloka raw.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake na-experience ang pagiging ‘attitude’ ni Ivana Alawi

“Pinapaayos sa handler niya na bakit nabago, dapat daw siya pa rin ang mas maraming exposure at angat kaysa doon sa napili ni direk.

“’Yung napili ni direk, e, maraming shows at movies na siya ang bida, e, si dyowa, e, waley namang solo pa, although magaling naman talagang umarte rin ang sa music industry okay din naman siya pero hindi pa siya nakakapuno ng venue kapag may show siya, laging may kasama pa.

“Ang daming nakunan na kay dyowa kaya pinagbigyan at inayos na lang ni direk para walang isyu. Pero ‘yun nga natatakan na si dyowa ng prod kaya hindi na siya kinukuha sa projects,” kuwento ng aktres na naka-work ang singer-actress na dyowa ni singer-actor.

Oo nga, naisip namin habang sinusulat namin ang balitang ito na wala kaming alam na project ang singer-actor sa matagal na panahon.

Bigla tuloy namingnaalala ang payo ni Angelica Panganiban na dapat maging mabait sa lahat, ultimo sa utility dahil darating ang araw na lahat ng mga naka-work na mababa ang posisyon sa production ay magiging boss na.

At dahil ang mga taga-prod ay nag-uusap-usap at nagkukuwentuhan kaya may “K” silang hindi kunin ang isang artista o performer kapag may attitude.

Magdyowang celebrity naghiwalay na; parehong sumabog na nagsimula lang sa maliliit na away

JaMill pinuntahan ng taga-BIR sa bahay: Inaasikaso na po namin ngayon sa tamang paraan

Read more...