Magdyowang celebrity naghiwalay na; parehong sumabog na nagsimula lang sa maliliit na away Bandera

Magdyowang celebrity naghiwalay na; parehong sumabog na nagsimula lang sa maliliit na away

Reggee Bonoan |April 20,2022
share this

Magdyowang celebrity naghiwalay na; parehong sumabog na nagsimula lang sa maliliit na away

Reggee Bonoan April 20, 2022 - 04:54 PM
Magdyowang celebrity naghiwalay na; parehong sumabog na nagsimula lang sa maliliit na away

SA isang relasyon, para maging smooth daw ito ay huwag nang pansinin ang mga maliliit na bagay na posibleng maging dahilan ng away. Kung kaya rin lang intindihin bakit hindi na lang palampasin.

Ito ang isa sa mga naririnig naming rason kung bakit may ibang magkakarelasyong nagtatagal pero may iba naman na hindi dahil nagiging isyu ito sa babae o sa lalaki kapag napansin.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil tungkol sa magdyowang aktor at aktres ang blind item natin ngayon. Hiwalay na ang dalawa dahil sa mga maliliit na bagay na hindi pinapansin ng bawa’t isa hanggang sa lumala na at naging dahilan ng matinding gulo.

Walang third party sa hiwalayan nina aktor at aktres, sa katunayan ay pareho nilang mahal ang isa’t isa pero kailangan na nilang maghiwalay dahil ang mga bagay na maliliit na hindi napapansin noong una ay lumaki na nang husto.

Pasensiyoso si aktor siguro dahil mas matanda siya sa aktres na may pagka-bratinella dahil nga siya yata ang baby sa family pero tolerable naman daw noong una.

Ayon sa kuwento ng taong nakakaaalam kaya naging magdyowa sina aktor at aktres ay spoiled kasi si gurl kay boy kaya kahit na anong gawin nito ay okay lang.

Hanggang sa napapansing umo-over na si aktres na pati mga kasama sa bahay ay grabe na kung tratuhin bagay na hindi nagustuhan ni aktor at siya ang nanliliit sa mga nakita at narinig kung paano pagsalitaan ng ex niya ang mga kasambahay.

“Si ____ (aktor) pa naman sobrang galang n’yan sa lahat, laging nagsasabi ng thank you at may please kapag may ipinapaki. Ayaw niya ng ganu’ng ugali (ng aktres),” tsika sa amin.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay ini-imagine namin ang boses ni aktres na malakas, kaya naisip namin baka naman nami-misinterpret lang siya kasi nga malakas ang boses tulad ng personalidad niyang malakas din.

“Puwede namang malakas ang boses pero may lambing di ba, o magsabi ng ‘salamat’ o ‘paki’ kaso wala talaga,” katwiran ng taong witness sa almost three years na relationship ng showbiz couple.

Isa pa raw sa hindi gusto ni aktor kay aktres ay kapag may mga tao silang nasasalubong at bumabati at gustong magpa-picture pero dedma ang huli na tila walang nakita.

“Si ____ (aktor) kasi sobrang malapit ‘yan sa mga taong nakikilala sila, nagpapa-picture, lahat pinagbibigyan niya kasi katwiran niya ito ang mga taong tumatangkilik sa pelikula namin, mga nanonood ng shows, so bakit hindi pagbigyan ‘yung konting hiling nila na pa-picture lang?  Si ____ (aktres) kasi hindi ganu’n, so another isyu ulit ‘yun.

“Tapos aawayin ni ____ (aktres) si ____ (aktor) hanggang sa magsasagutan at masisira na ang araw nila. Tutuloy sa mga lakad pero pansin mong hindi sweet o hindi masyadong nagkikibuan kapag sila lang. Pero okay sila sa harap ng ibang tao,” kuwento pa sa amin.

Nakapanghihinayang sina aktres at aktor dahil perfect combination na sana sila at balita nga namin ay gusto na ni gurl na mag-level up ang relasyon nila pero si boy ay gusto pang mag-ipon nang husto para mabigyan ng kumportableng buhay ang future family niya.

 

Related Chika:
Aktor na nasisisi sa hiwalayan nila ng magandang aktres, magsasalita na; aaminin kayang si girl ang unang mangaliwa?

Kilalang aktor sinisisi bakit hiniwalayan ng magandang aktres; walang kasalanan dahil si aktres ang unang nangaliwa

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending