Kilalang aktor sinisisi bakit hiniwalayan ng magandang aktres; walang kasalanan dahil si aktres ang unang nangaliwa | Bandera

Kilalang aktor sinisisi bakit hiniwalayan ng magandang aktres; walang kasalanan dahil si aktres ang unang nangaliwa

Reggee Bonoan |October 08,2021
facebook
share this

Kilalang aktor sinisisi bakit hiniwalayan ng magandang aktres; walang kasalanan dahil si aktres ang unang nangaliwa

Reggee Bonoan - October 08, 2021 - 04:38 PM

 

“NAAAWA ako kay (aktor) kasi siya ang sinisisi ng lahat kaya nagkahiwalay sila ng karelasyon niya, ang hindi alam ng tao, nauna na si babae magkaroon ng dyowa,” ito ang pagtatapat ng aming source.

Parang limang segundo yata kaming natahimik kasi hindi kami naniniwala sa kuwento sa amin ng taong parehong kaibigan ng mga bida sa blind item na ito.

‘Sino at paano’ ito ang tanong namin dahil hindi talaga kapani-paniwala dahil si girl na aktres din ay wala naman kaming alam na may record siyang nangangaliwa.

Anyway, may mga anak na ang magkarelasyong ito na pareho pang mga bata kaya hindi talaga kami makapaniwala.

“Ganito ‘yun, si girl parang hindi pa nagsawa kasi bata pa siya ng magka-anak sila ni (aktor), so parang may mga hinahanap. So, gusto niyang lumabas with friends pero ‘yung dyowa niya kasama nila para hindi halata at sa malayong lugar sa Metro Manila ang madalas nilang pasyalan para nga naman walang makaalam.

“Si (aktor) nahuli niyang may ka-text na guy, so tinanong niya kung sino, sabi ni girl friend daw nilang magkakaibigan. E, siyempre kapag matagal na kayo nagsama, alam mo na ‘yung kilos ng karelasyon mo di ba?

“So, ginawa ni (aktor) nagsabi siyang may lakad siya may photo shoot pinayagan naman siya at walang tanung-tanong na dati naman nagtatanong.

“Hindi alam ni girl nasa kabilang kanto lang si (aktor), siyempre wala ang karu para hindi mahalata. Tumambay lolo mo hayun, bukelya may sumundo kay girl. Pag-alis niya, bumalik na ng bahay si (aktor).

“Alam mo ba kung ano ang nadatnan, hindi maayos ang bahay, ang mga anak hindi pa napaliguan o nalinis, ibinilin lang sa kasama na babalik agad,” mahabang kuwento ng aming source.

Pinaliguan daw at nilinis ng aktor ang mga anak, ipinagluto habang ang kasama nila sa bahay ay nag=-ayos naman ng mga kalat.

“Pagabi na ng dumating si girl at parang wala lang at kinausap na siya ni (aktor) at sinabi niyang nakita niya na lahat. Hindi naman nag-deny lola mo, pero katwiran niya, gusto niya ulit ang freedom niya.

“Doon na shock lolo mo kasi isip niya may mga anak tayo tapos freedom ang hinihingi mo? So, hiwalay ang dalawa at co-parenting sila sa mga anak nila.

“Hindi na nga lang kumikibo si (aktor) kasi hindi masyadong naalagaan mga anak nila, nandiyang nahulog ng hagdanan, nahulog sa upuan, nauntog sa pinto nakalmot ng pusa basta may mga sugat lagi.

“Alam mo, sobrang mahal ni (aktor) si (aktres) kung alam lang ng ibang tao, umiiyak siya pag naga-aaway sila. Sobrang lakas ng personalidad ni girl.”

“Mabuti na lang si (aktor) maraming trabaho kaya kahit paano may outlet siya ng lungkot-lungkot niya, may ibang nakakausap bukod sa pamilya niya’t mga anak.

Di ba may post dati si (aktor) na sobrang nami-miss niya mga anak niya?” sabi pa.

Dagdag pa, “kanya-kanyang buhay sila ngayon, si girl kumuha na ng sariling bahay niya at may mga kasamang friends. Si (aktor) doon pa rin siya nakatira sa bahay nila kasama ang mga anak. Minsan hinihiram ni (aktres) ang mga bata pag wala siyang work. Pero most of the time nasa lolo mo.”

Diretsong tanong namin kung may karelasyon ngayon ang aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko masabing dyowa, eh, constant companion, pero ‘di ba sa henerasyon ngayon kapag lagi mong kasama ‘yun na ‘yun? Siguro sila na, pero hindi naman umaamin pa lolo mo, eh. Sa next visit niya sa akin, alamin ko, ha, haha,” tumawang sabi ng maming source.

In fairness maganda ang aktres at mabait si aktor kaya nagkasundo sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending