Bagyong Falcon lalakas pa bilang ‘Typhoon’, pero walang masyadong epekto sa bansa –PAGASA

Bagyong Falcon lalakas pa bilang ‘Typhoon’, pero walang masyadong epekto sa bansa –PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

INAASAHANG lalo pang lalakas at magiging isang “Typhoon” ang bagyong Falcon anumang oras ngayong araw (July 30).

Ayon ‘yan mismo sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“FALCON is forecast to steadily intensify within the next 3 days. It is forecast to become a typhoon between tonight or tomorrow early morning and reach its peak intensity on Tuesday,” saad sa weather bulletin ng ahensya na ibinandera nitong 5 p.m.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,170 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.

May lakas itong hangin na 110 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 135 kilometers per hour.

Baka Bet Mo: Mavy, Kyline nagpasabog ng kilig sa socmed: ‘paasa moments’ ang hatid sa seryeng ‘Zero Kilometers Away’

Ang kilos nito ay may bilis na 20 kilometers per hour papunta sa hilaga.

Ayon pa sa weather bureau, posibleng lumabas ng ating teritoryo ang bagyo bukas ng gabi o sa Martes (August 1) ng umaga.

“On the track forecast, the severe tropical storm may exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) tomorrow evening or on Tuesday early morning,” sey sa website ng PAGASA.

Nauna nang sinabi ng weather forecasters na malayo at hindi tatama sa anumang bahagi ng kalupaan ang bagyo.

“Nakikita natin sa ating track na may kalayuan ito sa ating bansa, so nananatili na maliit ang tsansa na makapagtaas tayo ng Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang bahagi ng ating kapuluan sa mga susunod na araw,” sey ni Weather Specialist Daniel James Villamil.

Dahil sa Southwest Monsoon o Hanging Habagat, asahan ang mga pag-ulan sa Zambales, Bataan, Metro Manila, Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, and Northern Palawan including Calamian at Cuyo Islands.

Gayundin ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Habang ang “trough” o extension ng Bagyong Falcon ay magpapaulan naman sa Bicol Region at Northern Samar.

Read more:

Ejay Falcon inalala ang pagiging kargador sa Mindoro; tuloy na ang pagtakbo sa 2022?

Read more...