Sharon in-unfollow ang mga fans sa socmed: ‘Sorry about this pero kailangan kong gawin! Please understand’

Sharon in-unfollow ang mga fans sa socmed: 'Sorry about this pero kailangan kong gawin! Please understand'

PHOTO: Instagram/@reallysharoncuneta

HUMINGI ng dispensa ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang mga loyal supporters dahil kailangan niyang i-unfollow ang mga ito.

Aniya, “So sorry about this pero kailangan kong gawin! I love you! Please understand.”

Saka ipinaliwanag ni Shawie sa kanyang post sa Instagram account kaninang tanghali kung bakit kailangan niyang gawin ito.

“Sharonians! Please understand I will have to unfollow you on this account kasi super PUNO na talaga, kailangan nang bawasan at para fair, kailangan ko na kayo i-unfollow.

“HINDI NAMAN IBIG SABIHIN NA HINDI KAYO MAHALAGA SA AKIN O DI KO KAYO MAHAL!  Pero di ko alam kung marami pang artista ang nagfo-followback ng fans niya kasi baka masara pa account ko!” sabi ng singer-actress at TV host.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta tinalakan ng netizens matapos ‘biruin’ si Maine kay Alden

Ipinagdiinan pa ng Megastar na mahal niya ang mga supporters niya.

“I LOVE YOU VERY MUCH BUT I HAVE TO DO THIS!  You can still comments on my posts and I can still reply to you, so, please don’t feel bad!  Thank you so much for understanding! (emojis praying hands, hearts and kisses),” sabi pa no Mega.

Mukhang naintindihan naman si Shawie ng supporters niya dahil nagkomento pa sila ng positibo.

Sabi ni @Chevy Pundamiera, “Love you Ms.Sharon! (3 heart emojis).”

Gayun din si @Ghie Dagoy, “We always love and support you idol.”

Sabi ni @Sherill Sherill, “My Sweet idol. Sharon truly miss but whatever decisions you making is whatever is the best for you sending love & hugs.”

Mula kay @Cynthia Gavino Juntilla, “It’s ok lang po .. but still you’re my number 1 idol.”

Say din ni @Ivy Loren Perez, “We LOVE YOU always.”

Naintindihan din ni @Jeffrey Banzon, “No problem my mega…we understand.”

Si @Jerone Dela Cruz Aglibot, “Its ok mama!! We love pa den.”

Wala raw dapat ipag-alala si Mega sabi ni @Leo Gelisan, “We still love you very much!!! No worries po Mega.”

For life naman daw si @Yholy Chan, “Forever Sharonians….idol Shawie.”

Say ni @Hazel Fetalvero, “Ok lang po. We still love you po kahit sa tv or movies na lang po namin kayo nakikita. God bless po.”

Okay lang kay @Point Odethi, “My Sweet idol.Sharon truly miss but whatever decisions you making is whatever is the best for you sending love & hugs.”

Mahigit na 5,000 ang nag-like at nag-heart sa post na ito ni Sharon at 251 positive comments sa IG at sa FB page ay umabot naman sa mahigit 1,000 likes and hearts with almost 100 comments.

Nangako rin ang lahat na susuportahan nila ang pelikulang “A Mother and Son’s Story” nina Sharon at Alden Richards na kasama sa 2023 Metro Manila Film Festival at mapapanood sa Disyembre 25 handog ng Cineko Productions mula sa direksyon ni Nuel Naval.

Related Chika:

KZ nagpasabog ng kilig vibes sa birthday message kay TJ: You are the kindest, most loving, and most understanding person…

Read more...