Heart Evangelista nakausap ang make-up artist noong bata pa: Paano kita makakalimutan? | Bandera

Heart Evangelista nakausap ang make-up artist noong bata pa: Paano kita makakalimutan?

Therese Arceo - July 29, 2023 - 09:03 PM

Heart Evangelista nakausap ang make-up artist noong bata pa: Paano kita makakalimutan?

HINDI inaakala ng Kapuso actress at socialite na si Heart Evangelista na makakausap niyang muli ang dati niyang make-up artist noong bata pa siya.

Sa isa sa kanyang Instagram post kung saan ipinakita niya kung paano siya naghahanda para sa isang event ay nag-comment ang taong nag-aayos sa kanya noong bata pa siya.

“Heart pag kailan mu na makeup artist [dito lang] ako sa Manila Poloclub ako dti nag makeup sayo,” komento ng isang netizen na may username na @paulbobela05.

Matapos ang ilang oras ay makikitang nag-reply ang asawa ni Sen. Chiz Escudero at nakilala kung sino ang nagkomento ng sa kanyang post.

“@spaulbobela05 Omg Paul !!!!!! Kamusta ka na ??! Paano kita makakalimutan bata palang ako Ikaw na mag makeup sakin women’s magazine !!!!! Mod magazine !!!! max factor days !!” lahad ni Heart.

Marami naman sa mga netizens at supporters ng aktres ang natuwa dahil palatandaan raw ito ng pagkakaroon ng mabuting loob ng aktres at talagang nagbabasa ito ng mga comments sa social media.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista nilayasan daw ng glam team dahil sa ‘attitude’, true kaya?

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“oh ayan ahhhh proof na ex employee pero friendly parin kay Heart at gusto parin makatrabaho si Heart. Just proves walang attitude problem, bakit nito gugustuhin bumalik kung meron,” saad ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “it only proved nagbabasa talaga si heart ng comments as much as she could even how busy she is.. and also she’s a good client kasi nanjan pa din yung loyalty ng mga naka trabaho sa kanya… yung mga naka alis na sa kanya, for sure yun ang may mga issues. Hindi naman yun sila masisesante kung walang issues. Sa tagal nila kay heart ?a decade? For sure may something wrong ginawa sila kay heart..”

Matatandaang usap-usapan ngayon kung ano nga ba ang naging dahilan ng pag-alis ng dating glam team niyang sina Justin at Jecka sa kanyang poder.

Ayon sa mga chika ay ginamit raw ng dalawa ang credit card ni Heart at na-max out ito ngunit pinabulaanan naman ito ni Justin.

May nagsasabi rin na may “attitude” raw ang aktres na hindi na kinaya ng glam team kaya umalis ang mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Heart ukol rito.

Related Chika:
Dating glam team ni Heart Evangelista nagsalita na, dinenay na pera ang dahilan ng paglayas

Heart naloka sa comment ni Chiz sa kanyang Instagram post: ‘Hayop ka! Hindi toh Viber, IG toh!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending