Aljur Abrenica ibinandera ang pakikipag-bonding kina Axl at Alas | Bandera

Aljur Abrenica ibinandera ang pakikipag-bonding kina Axl at Alas

Therese Arceo |July 28,2023
facebook
share this

Aljur Abrenica ibinandera ang pakikipag-bonding kina Axl at Alas

Therese Arceo - July 28, 2023 - 06:38 PM

Aljur Abrenica ibinandera ang pakikipag-bonding kina Axl at Alas
PROUD na ibinandera ng aktor na si Aljur Abrenica ang kanyang quality time kasama ang kanyang mga anak na sina Axl at Alas.

Nitong Huwebes, July 27, ibinahagi niya sa kanyang Instagram page ang kanilang bakasyong mag-aama sa isang beach resort sa Zambales.

Ibinahagi ni Aljur ang mga video ng kanilang kulitang tatlo habang naghahabulan papunta sa jacuzzi galing dalampasigan.

Ang pangalawa naman ay ang tila paggaya ng aktor sa mga kilos ni Axl na ikinaaliw naman ng huli.

Kaya hindi na rin kataka-taka kung marami sa mga netizens ang natuwa sa muling pakikipag-bonding ni Aljur sa mga anak.

IG

Baka Bet Mo: Aljur Abrenica tanggap na tanggap na ng pamilya ni AJ Raval; hindi pa rin umaamin kung totoong may anak na

“Im proud of you lodi @ajabrenica for being a responsible father,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa sa post ni Aljur, “Sana ituloy mo lang ang pagiging tatay sa mga anak mo para di ka matulad kay ano na kinamuhian ng mga anak.”

Samantala, may mga netizens naman na naghahanap kay Kylie.

“ang ganda tignan ng ganitong tatay sa mga anak… di ko alla kung bakit, pero parang mas gusto ko buo kayong pamilya,” sabi ng isang netizen.

Hirit naman ng isa kay Aljur, “They need both of you [crying emoji] just like my two kids imbis na maghiwalay kami inayos namin para mga anak namin.”

Pero may mga netizens naman na nagsasabing huwag nang ipagpilitin pang magkabalikan ang dalawa at hayaan na lang ito lalo na’t maayos naman ang kanilang co-parenting set up.

“bakit pinipilit nyo parin na magkabalikan sila? eh hindi na nga pwde? ang kikitid ng mga utak ng iba dito.! may sarili na silang buhay at masaya. kesa naman nagsasama sila na palaging nag aaway di parin maganda sa mga bata yon! mas okey na yon ganyan at soon maiintindihan din ng mga bata kung bakit broken family sila.

“Sa pag papalaki lang ng magulang yan kung pano nila i handle ang anak nila na di sila nagkulang sa pag mamahal. nangingialam pa kayo sa buhay nila.. kayo kaya magsama na wala ng pagmamahal sa isat isa, di nyo kasi naranasan! makaka relate lang dito un mga taong nakaranas na. mahirap na ibalik ang relasyon na nasira na.. lalo na ang tiwala,” mahabang sey ng netizen.

Dagdag pa ng isa, “”Nasa pagpapalaki naman iyan ng isang magulang kahit na broken family it does not matter anymore. Modern na tayo now.”

Matatandaang nagdesisyon nang maghiwalay sina Kylie at Aljur na siyang kinumpirma ni Robin Padilla sa kanyang panayam kay Ogie Diaz noong July 2021.

Sa kabila nito ay maayos naman ang naging co-parenting set up ng dalawa sa kanilang mga anak.

Related Chika:
Aljur Abrenica may magkaibang regalo kina AJ Raval at Kylie Padilla, ano kaya ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Bernal dinedma-dedma ni Aljur Abrenica; lumpiang togue ang pinaglilihian sa unang baby nila ni Perry Choi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending