Fil-Am rapper Ez Mil nasa pangangalaga na nina Eminem, Dr. Dre

Fil-Am rapper Ez Mil nasa pangangalaga na nina Eminem, Dr. Dre; pumirma sa 3 music labels

Pauline del Rosario - July 28, 2023 - 09:02 AM

Fil-Am rapper Ez Mil nasa pangangalaga na nina Eminem, Dr. Dre; pumirma sa 3 music labels

Ez Mil, Eminem, Dr. Dre

HINDI na ma-reach ang level ng talento ng Filipino-American rapper na si Ez Mil!

Kinuha na kasi siya ng rap legends na sina Eminem at Dr. Dre upang isali sa tatlong music labels na hawak nila – ang Aftermath, Shady Records, at Interscope.

Kabilang sa naging record deal ni Ez ay ang album na may collaboration kasama ang dalawang iconic rappers.

Mismong si Eminem ang nag-anunsyo ng pagpirma ng kontrata ng Pinoy rapper na ibinandera sa Instagram noong July 26.

Caption pa nga niya, “Me and Dre back at it…Check @ezekielmiller aka Ez Mil out- link in bio.”

Baka Bet Mo: Fil-Am rapper Ez Mil game rin sa aktingan, type makatrabaho sina Gerald, Nadine at Sarah: Gusto kong makasama sa ‘Shake, Rattle & Roll’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marshall Mathers (@eminem)

So paano nga ba na-discover nina Eminem at Dr. Dre si EZ?

Ito ay dahil lamang sa isang music video na may titulo na “Up Down (Step & Walk)” na inilabas noon ang Pebrero.

Sa pamamagitan ng Twitter, kinumpirma ni Eminem na ang nasabing music video ang nag-engganyo sa kanila upang papirmahin ng kontrata si Ez.

Sey pa sa inilabas na pahayag ni Eminem, “We’ve never been out there signing a lot of artists, and one of the great things about how we built Shady is how selective we’ve been.”

Nakwento pa niya na talagang namangha siya nang marinig ang kanta ni Ez kaya naman dali-dali niya raw itong dinala kay Dr. Dre.

“So I took it to Dre. We both agreed it would be a great fit, and we wanted to work with him right on the spot,” chika ng rapper.

Patuloy pa niya, “Dre said that he’s only interested in working on songs with unique sounds, and only then if I feel I can really bring something to it. Em played me Ez and I had that feeling…that thing that happens when we both know we’ve found something special. And that was it….let’s get to work.”

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Ez ay ipinanganak at lumaki sa Olongapo City.

Parehong Pinoy at mang-aawit ang kanyang mga magulang.

Sa katunayan nga, isang sikat na lead vocalist noong ‘90s ang kanyang ama na si Paul Sapiera ng bandang “RockStar.”

Noong nasa kolehiyo si Ez ay dito na silang nagsimulang lumipat at mag-migrate sa Amerika.

Doon na rin nag-umpisa ang music career ng Pinoy rapper.

Taong 2021 nang mag-viral ang kanyang kantang “Panalo” na tungkol sa pagiging makabayan.

Ngunit nabahiran ang naturang kanta ng kontrobersiya matapos punahin ang lyrics na nagsasabing “pinugutan si Lapu-Lapu.”

Nag-sorry naman agad ang Pinoy rapper sa mga na-offend ng kanyang hit song at inamin na mali ang kanyang naging impormasyon.

Pero sinabi rin niya na sinadya niya itong isama dahil sa rhyming pattern ng kanta at para pag-usapan ng mga makikinig. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Rocco Nacino may bagong natutunan bilang tatay nang dalhin sa doktor si Baby EZ para mapabakunahan

Panganganak ni Melissa Gohing parang eksena sa pelikula: May ‘slow mo’ moment effect sa paligid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending