Rocco Nacino may bagong natutunan bilang tatay nang dalhin sa doktor si Baby EZ para mapabakunahan
MAY isang mahalagang life lesson na namang ibinahagi ang Kapuso actor na si Rocco Nacino patungkol sa pagiging tatay ni Baby EZ.
Naglaan talaga ng oras at panahon si Rocco para samahan ang panganay nila ni Melissa Gohing sa pagbisita sa doktor para sa “vaccination day” nito.
Nag-post ang aktor sa kanyang Instagram account ng litrato niya habang karga-karga si EZ. May ibinahagi rin siyang photo ng kanyang mag-ina nang pabakunahan nila ang anak.
View this post on Instagram
Sa kanyang caption, sinabi ni Rocco na talagang sinamahan muna niya ang bagets sa doktor nito bago siya magtungo sa trabaho.
“It’s moments like these that I feel the importance to be there for our son, especially when he is in pain from his much needed injection.
“That need that you feel when he digs his head into your neck because he needs comfort, that’s something that cannot be replaced or bought,” ang nakasaad sa IG post ng Kapuso star.
Nag-comment naman ang professional volleyball player wifey ni Rocco na si Melissa at ibinandera sa buong universe kung gaano niya naa-appreciate ang ginagawa nito para sa kanilang mag-ina.
View this post on Instagram
“You are the best daddy! We are so lucky to have you!” ang mensahe ni Melissa sa kanyang husband.
Sa isa pang IG post ni Rocco, ilang buwan na ngayon ang nakararaan, nagbahagi rin siya ng payo para sa mga tulad niyang first-time dads pagdating sa pag-aalaga ng anak.
“Daddies, when duty calls, always be snappy. Anytime you can help mommy out in taking care of a baby, be the one to initiate the assist. Your wife will appreciate you more for it. This is one look I will always be proud of,” ang caption niya sa litrato nila ni EZ.
Ikinasal sina Melissa at Rocco noong January, 2021 at dumating sa buhay nila si EZ o Ezren Raffaello noong October, 2022.
Panganganak ni Melissa Gohing parang eksena sa pelikula: May ‘slow mo’ moment effect sa paligid
Melissa Gohing proud padede mom: ‘Breastfeeding isn’t easy, but the bond it creates is unbreakable’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.