Katrina Halili ayaw nang magpakasal at magka-baby; umaming BFF ni John Lloyd ang bagong dyowa

Katrina Halili ayaw nang magpakasal at magka-baby; umaming BFF ni John Lloyd ang bagong dyowa

Katrina Halili

MATALIK na kaibigan ni John Lloyd Cruz ang boyfriend ngayon ng Kapuso actress at magaling na kontrabida na si Katrina Halili.

Yan ang inamin ni Kat sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang personal na buhay kabilang na nga ang lovelife.

Ayon kay Katrina, non-showbiz ang dyowa niya ngayon at best friend daw ito ni John Lloyd. Ngunit mukhang ayaw muna niyang ipangalandakan sa publiko ang tungkol sa naturang guy.


Nabanggit din ng Kapuso star na kahit may boyfriend siya ngayon ay wala na siyang planong magpakasal at magkaanak.

Okay na raw sa kanya ang pagkakaroon ng 8-year-old daughter – si Katie Lawrence, na anak niya sa dating partner na si Kris Lawrence.

Sey ng aktres, bukod sa kanyang dyowa, naka-focus ang kanyang panahon ngayon sa pagpapalaki at pag-aalaga kay Katie at sa alaga niyang mga ibon.

Baka Bet Mo: Katrina Halili parang kapatid na ang turing kay John Lloyd Cruz; maayos ang relasyon sa ex-dyowang si Kris Lawrence

“Wala, ayoko na (mag-asawa). Puro birds ako ngayon, birds ang alaga ko. Ayoko na ring magka-baby, hindi ko kaya, mahirap. Saludo na lang ako sa maraming baby,” pag-amin ni Kat.

“Okay na ako, okay na po. Happy na ako. Lovelife na lang (huwag nang pakasal),” aniya pa.

Kuwento pa ni Katrina, magkasundo naman ang boyfriend niya at ang anak na si Katie kaya wala siyang isyu o problema.


“Mas more on kasama niya (si Katie) yung boyfriend ko. Yung boyfriend ko yung mas nagga-guide sa akin para alagaan yung anak ko.

“Siya yung mas nagtuturo sa akin, kasi stubborn ako, di ba? Stubborn din yung anak ko. So, medyo mahirap kaming dalawa. Minsan nawawalan ako ng pasensiya, siya yung mas kalmado.

“Tinutulungan niya ako talaga. Siya yung mag-uusap, siya yung kakausapin ako, kakausapin niya yung anak ko,” paliwanag pa ng aktres.

Pagbabahagi pa ni Katrina, “Ako gusto ko kasi companion, yun talaga yung hinahanap ko. Noong eight years na sinabi ko na, ‘Magbo-boyfriend ako.’

“Gusto kong hanapin yung makakasundo ko, yung parang kaibigan ko, yung makakasama ko hanggang pagtanda ko, yung companion, ganyan,” chika pa ni Kat.

Katrina ‘mabait na nanay’ na naman ang role sa bagong GMA serye; Zoren ‘kinakarma’ na sa ‘Apoy Sa Langit’

Katrina nagsalita na tungkol sa ‘misteryosong sakit’, nanigas ang leeg, sobrang nilamig

Read more...