Herlene Budol muling inirampa ang GMA Gala look: ‘Si Celeste ang in-order ako yung dumating…disappointed ang nag-order!’

Herlene Budol muling inirampa ang GMA Gala look: 'Si Celeste ang in-order ako yung dumating...disappointed ang nag-order!'

Celeste Cortesi, Rob Gomez at Herlene Budol

LAUGH trip ang mga netizens sa naging palitan ng mensahe sa social media ng mga beauty queen na sina Herlene Budol at Celeste Cortesi.

Agaw-eksena ang kapwa Kapuso stars nang dumalo sa naganap na GMA Gala 2023 nitong nagdaang Sabado dahil halos “twinning” ang kanilang bonggang-bonggang OOTD.

In fairness, marami ang nagkomento na hindi naman daw nagpahuli si Herlene sa awrahan ni Celeste sa naturang GMA event dahil glamorous at talaga namang sosyal na sosyal ang datingan niya.


Sa Instagram post ni Herlene, ibinandera niya uli ang isinuot niyang OOTD sa GMA Gala, ang golden-silver beaded see-through dress with matching headdress na connected sa kanyang gown.

Kinakiligan naman ng kanyang fans at social media followers ang simula ng kanyang caption na, “GMA GALA LAST NIGHT with someone.”

Alam naman ng lahat na ang naging ka-date niya sa event ay ang Kapuso actor na si Rob Gomez, ang leading man niya sa seryeng “Magandang Dilag.”

Baka Bet Mo: Celeste Cortesi nangarap maging beauty queen matapos mapanood si Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015

Sey pa ni Herlene sa kanyang IG post, “Thank you sa 21 na waistline at napakagandang outfit ms @maraxchua at sa aking makeup and hair @maryletim team @ml_salon_and_spa Salon Sa shoes @jojobragaisofficial Sa nag picture neto apaka poging photographer @advanramirez.”

Sa huling bahagi ng kanyang post, humirit pa ang komedyana patungkol kay Celeste Cortesi.


Birong sabi ng Kapuso star, “Si Celeste ang inorder ako yung dumating. Disappointed yung nag order haha.”

Nireplayan naman agad siya ni Celeste, “Hahahaha you look beautiful!!!!”

Samantala, marami naman ang nagsi-ship ngayon kina Herlene at Rob dahil bagay na bagay daw ang magka-loveteam. Sana raw ay mauwi rin sa totohanan ang love story nila sa pinagbibidahan nilang serye sa GMA.

In fairness, feel na feel din namin ang kilig at good vibes kina Herlene at Rob at kapag napapanood namin sila sa “Magandang Dilag”, iisipin mong may namamagitan ng “something” sa kanila. Oh, well…

Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…

Celeste Cortesi sa pagpapasa ng korona sa bagong Miss Universe PH: ‘The best is yet to come…who’s your bet for the crown?’

Read more...