Hirit ni Rhian Ramos kapag nahuling niloloko ng dyowa: ‘I’ll kill him! Charot! Ha-hahaha!

Sey ni Rhian Ramos kapag nahuling niloloko ng dyowa: 'I’ll kill him! Charot! Ha-hahaha!

Rhian Ramos at Sam Verzosa

KUNG may lalaking manloloko sa Kapuso actress na si Rhian Ramos, sa hiwalayan daw agad ang diretso ng kanilang relasyon.

Hindi na raw niya patatagalin ang pagsasama nila ng kanyang dyowa sakaling malaman niyang isa pala itong dakilang “cheater“.

Nakakaaliw ang isang panayam kay Rhian kung saan napag-usapan ang karakter niya bilang si Margaret sa Kapuso hit murder mystery drama series na “Royal Blood” starring Dingdong Dantes.


Sa “Ask Me Anything” ng GMA Online Exclusive, natanong ang dalaga na may konek sa role niya as “Margaret” kabilang na kung matapang at palaban din siya tulad ng napapanood sa “Royal Blood.”

Inamin ni Rhian na sa totoong buhay daw ay mahiyain siya taliwas sa pagkakakilala sa kanya ng marami na matindi ang self-confidence dahil nga isa siyang artista.

“I’m actually very shy. I’m almost afraid of people. And yah, I’m introverted. I need like a long recovery period when I socialized like I have to stay on my room for a long time,” pahayag ng aktres.

Baka Bet Mo: Eleksyon hugot ni Melai kinagiliwan ng netizens: Kapag hindi nagsauli, alam mong magnanakaw ulit! Charot!

May tendency din daw na pagsalitaan niya ng masasakit ang mga taong nakagawa sa kanya ng kasalanan, lalo na kung itinuring niyang parang tunay na kapamilya ang mga ito.


“Say a lot of mean things. Like if I’m really hurt or angry at someone, then I’ll probably yell at them and say a lot of mean things,” ang pagpapakatotoo ni Rhian.

At sa tanong kung ano ang kaya niyang gawin sakaling malaman niya na niloloko na pala siya ng kaniyang dyowa, natawa muna ang aktres sabay sabing, “I’ll kill him. Charot! Ha-hahaha!”

Pero seryosong sagot ng girlfriend ng TV host-businessman na si Sam Verzosa, “Breakup, I guess that’s what you have to do, you can’t just let that happen right? So you gotta walk away.”

Kaya ang susunod daw niyang gagawin matapos mabiktima ng cheater, “You just continue your life and find joy and happiness. I think whoever your enemies are, are really gonna hate that and that’s the best thing you can do for yourself.”

Anyway, napapanood ang “Royal Blood” sa GMA Telebabad kung saan kasama rin nina Dong at Rhian sina Mikael Daez, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, Megan Young, Tirso Cruz III at marami pang iba.

Pangako ni Rufa Mae kapag naging senador: Magkakaroon ako ng batas ng gatasan…free milk for everyone!

Yassi Pressman sa chikang lilipat na sa GMA 7: I don’t know what you’re talking about. Ha-hahaha!

Read more...